ni Mary Gutierrez Almirañez | March 10, 2021
Walumpu’t walong kapulisan ang nadagdag na nagpositibo sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police Healthcare Service kaninang umaga, Marso 10.
Batay sa tala ng PNP, umakyat na sa 11,830 ang kabuang bilang ng mga nagpositibo mula noong nakaraang taon, kung saan nananatili sa 633 ang aktibong kaso, habang 11,165 ang mga gumaling at 32 ang pumanaw.
Samantala, 44 naman ang iniulat na bagong gumaling.
Giit pa ni PNP Chief General Debold Sinas, “We cannot afford to lower our guard against the virus, especially at this point when the cure is already within reach.”
Sa ngayon ay patuloy pa rin sa serbisyo ang mga kapulisan sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19.