top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Patay ang apat na katao sa pagbaligtad ng delivery truck sa Barangay Apelo, Sara sa Iloilo nitong Biyernes nang madaling-araw, Marso 5.


Ayon sa Sara Police Station, nang bumaligtad ang trak ay nagpaikut-ikot muna ito bago tuluyang bumangga sa isang Dryer facility kung saan nahagip ang natutulog na si Jaime Ciudad.


Maliban kay Ciudad, kabilang din sa mga nasawi ay ang drayber ng trak na si Henry Diyan, Jr., 35-anyos, pahinanteng si Rey Sinoy, 25-anyos at si Romualdo Norsan, 30-anyos.


Kaagad dinala sa ospital ang 4 ngunit idineklara nang dead on arrival.


Itinuturong sanhi ng aksidente ay ang mabilis na pagmamaneho ng drayber at hindi na nito nakontrol ang sasakyan dahil sa mabigat na kargang mga mais.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 4, 2021





Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang kahon ng unregistered COVID-19 test kits na nagkakahalagang P1 milyon sa Navotas City kaninang umaga, Marso 4.


Batay sa ulat, kasabwat ng Chinese trader ang isang Pinoy sa pagbebenta ng mga testing kit sa online.


Pinaaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na huwag tangkilikin ang nasabing produkto dahil mapanganib sa kalusugan ang mga hindi rehistradong medical products.


Sa ngayon ay nananatili sa 383 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Anim ang nadagdag na nagpositibo habang 9 ang gumaling at 2 ang namatay.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 3, 2021





Binawi ng Department of Education (DepEd) kaninang umaga, Marso 3, ang proposal na dalawang linggong summer vacation para sa 2020-2021 school year.


Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, “It was among the many options we were considering but noting the objections from our stakeholders, we will no longer propose a two-week break.”


Matatandaang nagsimula ang klase noong Oktubre na karaniwang sinisimulan tuwing Hunyo at nagtatapos kada Abril.

Ngayon ay may posibilidad na hindi na magkakaroon ng bakasyon ang mga mag-aaral at tutuloy na sila kaagad sa susunod na school year.


Batay sa inilabas na panibagong school calendar, mula Marso 22 ay iniurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 at ang fourth quarter naman ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.


Bagama't may bakuna na ay pinagdedebatehan pa rin sa Senado ang pagsusulong sa face-to-face classes lalo’t tinatayang 4,468 na mga estudyante at mga tauhan ng DepEd ang tinamaan ng COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page