top of page
Search

ni Mylene Alfonso | March 2, 2023



Nag-alok kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang Chemical Engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing.


Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan.“Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?” tanong ni Romualdez.


Ikinalungkot ni Romualdez ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng mga taong posibleng sangkot sa pagkamatay ni Salilig na itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 27, 2023



Dahil sa sunud-sunod na high-profile crimes sa bansa, nagpatawag na si House Speaker Martin Romualdez ng isang emergency meeting ngayong araw, kasama ang Philippine National Police at Department of Interior and Local Government.

“Nakakabahala na dahil parang halos every week may malaking balita tungkol sa mga napapatay sa kalye,” ayon kay Romualdez.

“Gusto nating malaman sa PNP at DILG kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila upang pigilan ang mga ganitong uri ng karumal-dumal na krimen,” aniya.

“The way it looks, mukhang pulitika ang motibo sa mga ambush kamakailan dahil mga politicians ang biktima,” dagdag pa ng mambabatas.

“We will ask the police and the DILG, saan ang problema? Intelligence ba? Paano makakatulong ang Kongreso sa paglutas ng mga krimeng ito?” dagdag pa nito.

Nauna rito, isang alkalde ng Maguindanao ang malubhang nasugatan sa isang ambush sa Pasay City.

Nitong Pebrero rin, binaril at napatay sa isang pananambang ang bise alkalde ng Aparri, Cagayan.

Mapalad namang nakaligtas sa isa ring ambush si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong sa Maguindanao, ngayong buwan ding ito, ngunit namatay ang apat nitong police escorts.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 si House Majority Leader at Leyte Representative Martin G. Romualdez, kabilang ang 29 pang miyembro ng kapulungan, ayon sa press statement na inilabas ng kanilang tanggapan kahapon, Marso 17.


“Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for COVID-19. I am scheduled to undergo a second test tomorrow to rule out a false positive result,” pahayag pa ni Rep. Romualdez.


Nauna na ring iniulat na positibo sa naturang virus si Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, kung saan maging ang 7 na kasama nito sa bahay ay nagpositibo rin.


Sa kabila nu'n, iginiit naman ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na hindi pa kailangang i-lockdown ang kanilang tanggapan. Aniya, "So far no need naman.


Nasabi naman ni Speaker at saka mga members na hindi naman kailangang i-lockdown kasi two weeks na lang din naman tayo… At the same time, gusto na ring tapusin ni Speaker at ng mga members 'yung mga pending measures sa House bago mag-break. Controlled naman, managed naman 'yung situation sa House kasi considering na 29 cases, that's around two to three percent lang ng population ng House.”


Sa ngayon ay naka-isolate na si Rep. Romualdez at masusing binabantayan ng kanyang doktor. Hiniling din niya na magpa-swab test ang mga naging close contact niya upang hindi na kumalat ang virus.


"Let me assure those who are concerned with my physical well-being that I am coping well despite experiencing symptoms of the disease, and that I am in high spirits," aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page