top of page
Search

ni BRT | May 1, 2023




Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Company (NTC) na gawing simple ang SIM registration para makatulong sa milyong katao na hindi pa nakapagrehistro ng kanilang SIM card.


Dapat umanong magsanib-pwersa ang DICT, NTC at ang tatlong telecommunications companies para sa nasabing proseso.


Pinasalamatan naman ni Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagpapalawig ng deadline dahil milyong mga kababayan natin ang hindi pa nakapagrehistro.


Ayon pa sa House leader, dapat tulungan ng Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs ang DICT, NTC at telcos na sabihan ang mga OFWs at ang kanilang pamilya para sa registration requirement.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 10, 2023




Nais ni House Speaker Martin Romualdez na may managot sa pagkasunog ng barkong MV Lady Mary Joy 3, na naging dahilan ng pagkamatay ng 31 katao at 2 pa ang nawawala sa karagatang ng Baluk-baluk Island sa Basilan kamakailan.


Kinalampag din ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno't dulo ng pagkasunog ng barko.


Dapat umanong natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.


Ani Romualdez, mismong si Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan ang nagsabi na nahirapan ang mga otoridad sa rescue operation dahil sa inaccuracy ng passenger manifesto.


Binanggit din na kung pagbabatayan ang bilang ng mga naligtas at bilang ng nasawi, hindi ito tugma sa record ng PCG.


Aniya, dapat na may managot sa insidente at pahintuin na muna ang paglalayag ng iba pang barko ng naturang shipping line.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 31, 2023




Inako ni Speaker Martin Romualdez ang responsibilidad na pangalagaan ang interes ng ikatlong distrito ng Negros Oriental matapos na masuspindi si Rep. Arnolfo Teves na siyang kinatawan nito sa Kamara.


Ito ay nakasaad sa Memorandum Order No. 19-017 na inilabas ng Kamara de Representantes na may petsang Marso 23.


Si Romualdez ay magiging caretaker ng distrito ni Teves hanggang sa Mayo 22 o sa kabuuan ng 60 araw na suspensyon ni Teves matapos na mabigong umuwi sa bansa kahit na expired na ang travel authority nito. Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay

Negros Oriental Gov. Roel Degamo.


Ang paglalagay ng caretaker sa isang distrito ay dati nang ginagawa ng Kamara kapag nawala ang isang miyembro nito sa iba’t ibang rason gaya ng pagkakatalaga sa Gabinete, suspensyon, o pagkasibak.


Ang Kongreso ay kasalukuyang naka-Lenten break hanggang sa Mayo 7.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page