top of page
Search

ni Mylene Alfonso | June 12, 2023




Bago nagsara ang unang regular session ng 19th Congress, natapos ng Kamara ang 577 panukalang batas.


Nasa 33 sa 42 priority measures ang inaprubahan ng House of Representatives na kabilang sa priority bills ng administrasyong Marcos at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, hindi maitatanggi na si Speaker Martin Romualdez ang pinakapinagkakatiwalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kailangan umano ng administrasyon ng tulong upang maabot ang minimithi nitong

“Agenda for Prosperity”.


Wala umanong duda na magtutuluy-tuloy ang magandang performance ng Kamara de Representantes.


Samantala, tinawag namang 'action man' nina Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora at Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario si Romualdez, dahil sa mabilis umano nitong pagtugon sa pangangailangan ng kanilang constituents, partikular sa panahon ng kalamidad.


Mapalad umano silang maging kasapi ng 19th Congress sa ilalim ng liderato ng Speaker.


 
 

ni BRT | May 9, 2023




Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na walang kinalaman si Speaker Martin Romualdez sa kanyang desisyon na tumakbo bilang bise presidente.


Aniya, hindi tama at isang insulto sa libu-libong mga grupo at indibidwal na walang humpay na nakiusap sa kanya na muling isaalang-alang ang nauna niyang desisyon na huwag sumali sa national politics para sabihin na malaki ang naitulong ni Romualdez sa pagtulak sa kanyang Vice Presidential bid.


Pagbibigay-diin ni Sara, si Senator Imee Marcos ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang bise presidente at ito ay isang desisyon aniya na naselyuhan lamang pagkatapos pumayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga kondisyon na itinakda niya bago tumakbo bilang bise.


“There was no Speaker Romualdez in the picture,” giit ng Pangalawang Pangulo.


 
 

ni Madel Moratillo | June 2, 2023




Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kapwa mambabatas na samantalahin ang sine die adjournment para makapagpahinga.


Sa kanyang mensahe sa pagsasara ng first regular session ng Kongreso, sinabi ni Romualdez na dapat samantalahin ang pagkakataong ito para magre-energize, reflect at buhayin ang passion sa public service.


Halos 2 buwang magpapahinga ang mga mambabatas dahil magbubukas ang 2nd Regular Session sa Hulyo 24 pa.


Nagpahayag naman ng kasiyahan si Romualdez sa kanilang mga nagawa sa Kamara sa nakalipas na 10 buwan.


“Each and every member of this august body truly deserves commendation for a job well done. Congratulations to all of us!” pahayag ni Romualdez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page