top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 3, 2021




Dalawang bagong misyon papuntang Venus ang inianunsiyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) nitong Miyerkules, June 2.


Ayon kay NASA Administrator Bill Nelson, "These two sister missions both aim to understand how Venus became an inferno-like world, capable of melting lead at the surface."


Paliwanag pa niya, "They will offer the entire science community the chance to investigate a planet we haven't been to in more than 30 years."


Ang nabanggit na 2 misyon ay paglalaanan ng tig-$500 million sa ilalim ng NASA's Discovery Program at inaasahang ilo-launch sa 2028-2030.


"It is astounding how little we know about Venus, but the combined results of these missions will tell us about the planet from the clouds in its sky through the volcanoes on its surface all the way down to its very core,” dagdag naman ni Tom Wagner, NASA’s Discovery Program scientist.


Matatandaang nag-landing kamakailan ang spacecraft ng NASA sa planetang Mars na layuning maghanap ng fossilized bacteria at microbes upang patunayan ang pagkakaroon ng buhay na nilalang doon.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 15, 2021



Matagumpay na lumapag sa Mars ngayong Sabado nang umaga ang uncrewed Chinese spacecraft, ayon sa state news agency na Xinhua.


Sa paglapag ng Tianwen-1 spacecraft sa isang site sa Southern Utopia Plain, saad ng Xinhua, nakapag-iwan ito ng “Chinese footprint on Mars for the first time.”


Ayon sa China Space News, ang proseso ng pag-landing ay binuo ng “nine minutes of terror” dahil sa biglaang pagbilis at pagbagal ng module.


Ang isang solar-powered rover naman na tinawag na Zhurong ay magsisiyasat sa landing site at magsasagawa ng inspeksiyon. Ang Zhurong ay may 6 scientific instruments kabilang na ang high-resolution topography camera.


Pag-aaralan ng rover ang ibabaw ng lupa ng Mars kabilang na ang atmosphere nito. Sisiyasatin din ng Zhurong kung mayroong senyales ng ancient life sa Red Planet kabilang na ang mga sub-surface water at yelo gamit ang ground-penetrating radar.


Samantala, ang unang bansa na nakarating sa Red Planet ay ang United States.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 19, 2021





Matapos ang 203 araw at 293 million milya, matagumpay na nakalapag sa planetang Mars kahapon, Pebrero 18, 3:55 pm ang spacecraft ng Perseverance Rover ng NASA mula sa Los Angeles, California, na layuning maghanap ng fossilized bacteria at microbes bilang patunay kung nagkaroon ng buhay na nilalang doon.


Nagsimula ang misyon sa Mars noong Hulyo 30, 2020 na tumagal sa mahigit pitong buwan.


Minsan na ring tinangka ng NASA at ibang bansa na makarating sa Mars subalit marami ang nabigo. May dalawang nagtagumpay ngunit sa ibang bahagi ng planeta naman napunta.


Ayon kay acting NASA Administrator Steve Jurczyk, “The Mars 2020 Perseverance mission embodies our nation’s spirit of persevering even in the most challenging of situations, inspiring, and advancing science and exploration. The mission itself personifies the human ideal of persevering toward the future and will help us prepare for human exploration of the Red Planet.”


Gamit ang higanteng parachute, pinabagal nito ang pag-landing ng spacecraft sa planeta saka dahan-dahang ibinaba ang rover sa loob ng pitong minuto. Ang rover ay mayroong haba na 3-metro at may anim na gulong, na paiikutin sa Jezero Crater ng Mars. Taglay nito ang scientific instruments na susuri sa mga bato at lupa sa planeta. Susubukan ding paliparin sa himpapawid ang isang mini-helicopter na tinatawag na Ingenuity.


Sa mga susunod na buwan, inaasahan din ang paglapag ng spacecraft ng China sa Mars.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page