ni Thea Janica Teh | November 23, 2020

Umabot na sa lima ang bilang ng evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina City matapos sumailalim sa swab test. Agad na isinailalim sa quarantine ang mga nagpositibo habang hinihintay pa ang resulta ng 100 pang evacuees.
Samantala, nakapagtala rin ng 3 evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City at 600 residente pa ang sumailalim sa rapid test.
Dinala agad ang mga nagpositibo sa community care facilities upang sumailalim sa quarantine.
Naka-monitor na rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa iba pang evacuation centers upang maiwasan ang pagkalat ng virus.