top of page
Search

ni BRT @News | August 7, 2023




Kinumpirma ng Marikina City Government na magsasampa sila ng kaso sa isang drone systems operator at provider matapos nitong ipakita ang watawat ng Pilipinas na baliktad ang kulay sa closing ceremony ng Palarong Pambansa.


Una nang umalma ang lokal na pamahalaan ng Marikina City sa naging kapalpakan ng drone provider na Drone Tech.


Mariing kinondena ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang insidente at pinakakasuhan ang kumpanya.


Nais ng alkalde na madetermina ang mga legal na pananagutan nito kasama na rin ang mga kalakip na kaparusahan at multa.


Naglabas na rin ng public apology ang nasabing drone systems operator at provider.


“We would like to clarify that this error in the Drone Show programming which was supposed to be tested days before could have been noticed and corrected [but] was not successfully done due to severe weather conditions and signal interference on the said area for several nights,” pahayag ng grupo.



 
 

ni Lolet Abania | January 8, 2022



Muling ni-require ng lokal na gobyerno ng Marikina City sa mga indibidwal ang pagsusuot ng face shields sa mga vaccination centers.


“Bunsod ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagdeklara sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3, ang lahat ng pupunta sa MARIKINA VACCINATION CENTERS ay REQUIRED na MAGSUOT NG FACE SHIELD at FACE MASK,” batay sa Marikina Public Information Office sa isang Facebook post.


“Sama-sama po nating ingatan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Maraming salamat po,” dagdag ng LGU.


Matatandaan na ipinahayag ng national government na ang paggamit ng mga face shields ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3. Gayunman, ang mga establisimyento o employers ay maaaring i-require ang paggamit ng face shields sa kanilang nasasakupan.


Sa isang report, binanggit ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na, “Hiniling na rin ito ng mga vaccinators natin na kung pwede as an added precaution i-require na magsuot ng face shield ang mga nagpapabakuna lalo na ngayon itinaas namin ang output capacity sa mga vaccination sites sa Marikina from previously 3,000 or 4,000 na nagpapabakuna araw-araw ngayon halos nadoble na ito 8,000 na.”


Bukod sa mga vaccination sites, nire-require na rin sa mga indibidwal ang pagsusuot face shields sa mga crowded places gaya ng wet markets, ayon pa sa report.


“Ang ginagawa natin positive reinforcement dahil mahirap na ang buhay iniiwasan talaga namin ‘yung pagmulta more on ang ginagawa namin, we simply notify or issue ticket or ine-encourage namin minsan mga barangay namin or mga volunteer groups kung may pinamimigay silang face mask or face shield,” paliwanag ni Teodoro.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021




Animnapung kostumer ng isang bar and grill establishment sa Marikina City ang tiniketan dahil sa paglabag sa curfew hours, ayon kay Marikina Chief of Police Colonel Benliner Capili.


Aniya, “’Yung may-ari ng bar and grill na ito, dapat hindi na sila nag-o-operate beyond 10 o’clock.


Titingnan natin kung may kaukulang permit ang kanyang establisimyento." Ipinaliwanag naman ng management ng bar na bago pa man mag-alas-10 ay nag-serve na sila ng huling order sa mga customers.


Sabi pa ng manager na si Mamu Pimentel, "Kasi we open at 5 o’clock, Sir, then we end at 10 o'clock. Ano'ng mangyayari? Paano mabubuhay ang mga empleyado ko, mga staff? Ito lang naman ang pinagkukunan nila, pinagkakakitaan. Madaming nagugutom. Hindi nga tayo nagkasakit, namatay naman tayo sa gutom."


Sa ngayon ay patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum health protocols at curfew hours upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page