top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 1, 2021




Nasabat ng awtoridad ang 22 bags ng marijuana na tinatayang aabot sa P2.5 milyon ang halaga sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga noong Linggo nang gabi, ayon sa Central Luzon police.


Sa pagtutulungan ng Drug Enforcement Unit ng Angeles City at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang dalawang suspek sa Barangay Balibago.


Kinilala ni Central Luzon Police Director Brig. Gen. Valeriano de Leon ang mga suspek na sina Benhur Buenaventura at Marion Raymundo.


Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 7, 2021



Arestado ang tatlong magkakaibigan matapos mahuling nagbebenta ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City nitong Miyerkules nang gabi.


Sa imbestigasyon ni Police Lt. Apolinario Aguinaldo, QCPD Station 10 SDEU Chief, nasa 22-anyos lamang ang mga lalaking naaresto. Kinilala ang dalawang suspek na sina “Dhendel” at “Joseph” na wala umanong trabaho at dati nang nakulong dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga.


Ang isa namang suspek na hindi pinangalanan ay isa umanong security guard. Sa isinagawang buy-bust operation, nakipagtransaksiyon umano ang mga pulis sa mga suspek sa Bgy. Gulod bandang alas-9 ng gabi.


Itinanggi pa umano ni “Dhendel” na kanya ang mga nasabat na droga. Nakumpiska sa tatlo ang 4 na bloke ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P420,000.


Sa ngayon ay hawak na ng pulis ang tatlong suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 1, 2020




Animnapu't dalawang vape juice cartridges na naglalaman ng liquid marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport BOC-NAIA mula sa unclaimed parcels sa Central Mail Exchange Center noong Agosto 22.

Ayon sa Customs ngayong Martes, ang naturang vape package ay mula sa nagngangalang Roger Bowman ng Amsterdam, Netherlands at misdeclared diumano bilang “food flavorings.”

Sa isinagawang field test ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirma na ang mga naturang vape juices ay may tetrahydrocannabinol at cannabidiol na parehong compounds na taglay ng marijuana.


Nai-turn over na ang naturang package sa PDEA upang maimbestigahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page