top of page
Search

ni BRT | February 23, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Inaresto ang isang food vlogger at kasama niyang tulak matapos silang mahulihan ng marijuana na nagkakahalaga ng P44,400 sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang inarestong tulak na si Gian Kalvert Paz habang ang kabarkada niyang food vlogger ay si Cassius Labatete.

Kaugnay nito, nakuha sa kanila ang 370 gramo ng marijuana.

Ayon sa pulisya, malaki na ang kanilang operasyon sa barangay at mga karatig-barangay, kaya itinuturo na rin sila ng mga nauna nang nahuli.

Samantala, iginiit naman ng food vlogger na si Labatete na gumagamit lamang siya pero hindi nagbebenta.

“Pampatulog lang. Puyat din kasi saka stressed sa pag-e-edit kaya kailangan ko rin ng pampakalma,” ani Labatete sa isang panayam.


 
 

ni Zel Fernandez | May 7, 2022



Nasabat ang may tinatayang P1.9 milyong halaga ng "kush" o high-grade marijuana mula sa isang Nigerian national, kasunod ng isinagawang controlled delivery operation ng anti-drug authorities sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes nang hapon.


Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon (PDEA-3), kahapon ng Biyernes ay tinukoy ang suspek na si Madu Ogechi Uzoma, residente ng Concubierta Street, Sunset Valley Mansions, Brgy. Cutcut sa Angeles, Pampanga.


Ang package na naglalaman ng iligal na droga ay sinasabing nagmula sa Greenwich, Connecticut, USA, at dumating sa Bureau of Customs-Port of Clark, nitong nakaraang Abril 29.


“The shipment was subjected to the K9 sweeping and physical examination which gave a positive indication of illicit drugs,” ayon sa PDEA.


Nakumpiska mula kay Madu ang tinatayang 1,500 gramo ng kush na mayroong street value na P1.95-M at isang driver's license.


Naging matagumpay ang operasyon sa pagkilos ng PDEA-Central Luzon, katuwang ang Bureau of Customs-Port of Clark at ang lokal na kapulisan.


Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang Nigerian national.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



Tiklo ang isang lalaki na bibisita sana sa city jail ng Naga, Camarines Sur, matapos na may makitang tuyong dahon ng marijuana sa suwelas ng kaniyang sapatos.


Kinilala ang suspek na si Jhon Michael, 20-anyos.


Ayon sa mga awtoridad, bahagi na ng proseso sa kulungan ang suriin ang mga dalang gamit at kasuotan ng mga dadalaw dito.


Nang alisin umano ang sapatos ng suspek, nakita sa suwelas nito ang mga tuyong dahon ng marijana na nakabalot sa papel.


Nakipag-ugnayan agad ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pulisya hinggil sa insidente.


Todo-tanggi naman ang suspek sa paratang laban sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page