ni Twincle Esquierdo | November 25, 2020
Isang plantasyon ng marijuana ang natuklasan ng mga awtoridad sa Sitio Basi sa Kibungan, Benguet nitong Martes.
Ayon sa Kabungan Municipal Police, nagsagawa ang PDEA at pulisya ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano'y 500 square meters na bakanteng lote na sinasabing nagsisilbing marijuana plantation.
Tumambad sa kanila ang 5,000 tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P500,000. Agad nila itong binunot at sinunog. Nadiskubre rin ng pulisya ang dalawang marijuana farm sa Sitio Lepsik at Sitio Mabilig sa Bgy. Kayapa.
Agad din nilang binunot at sinunog ang 1,160 tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga naman ng P232,000.
Ayon sa mga pulis, patuloy nilang iimbestigahan kung sino ang nasa likod ng mga nasabing marijuana plantation.