ni Lolet Abania | June 28, 2022
Nakapagtala ng 50 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.5, kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 93 cases, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa naturang bilang, 38 indibidwal ay mula sa Western Visayas, 5 sa National Capital Region (NCR), at 7 ay mga returning overseas Filipinos (ROFs).
Ayon pa kay Vergeire, nakapag-record din ng 11 bagong BA.2.12.1 subvariant cases at 2 pang BA.4 subvariant cases.