ni Madel Moratillo | April 20, 2023
Pumalo na sa higit 10 libo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ginawang pulong nitong Martes, sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, na nagkaroon talaga ng pagtaas ng mga kaso.
Nanatili rin aniyang manageable ang hospital system.
Hindi rin aniya mataas ang bilang ng hospital admission.
Sa kabuuan, umabot na sa 4,086,620 ang naitalang kaso ng COVID sa bansa.
Pero 98 porsyento rito ay nakarekober na pero may 66,443 ang nasawi.
Sa Mayo, inaasahan na muling magpupulong ang World Health Organization para talakayin kung babawiin na ba ang umiiral na public health emergency of international concern dahil sa COVID-19.