top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 5, 2023




Natukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang persons of interest sa pambobombang naganap nu'ng Disyembre 3 sa Mindanao State University sa Marawi.


Saad ni AFP spokesman Col Medel Aguilar, "Itong dalawang ito ay pinaghahanap at pinaniniwalaan na kasapi ng remnant ng isang local terrorist group na alam naman natin na nag-o-operate doon sa area na iyon."


Tumanggi siyang pangalanan ang dalawa ngunit ipinaalam na patuloy ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga sinasabing suspek sa insidente.


Aniya, nagkaroon sila ng persons of interest dahil sa koordinasyon ng school at sa mga witnesses na makakapag-describe sa mga posibleng salarin ng nangyaring pagsabog.


Binigyang-diin din ni Aguilar na hindi tinanggap ng mga awtoridad ang pahayag ng teroristang grupo ng Islamic State na sila ang may pananagutan sa pagsabog, kahit na sa pahayag ng AFP ay wala nang dayuhang teroristang grupo na nasa bansa.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 4, 2023




Nagpahayag ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, na magpapalakas ng mga hakbangin para sa seguridad sa mga simbahan para sa dadating na Simbang Gabi sa Disyembre 16.


Sinigurado ito ng PNP matapos ang insidente ng pambobomba sa isang misa sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na ikinasawi ng ilang tao.


Kinumpirma rin ni PNP spokesperson Jean Fajardo na iyon ang naging dahilan kung bakit nila paiigtingin ang seguridad sa mga simbahan.


Dagdag ni Fajardo, hihigpitan din nila ang kanilang pagbabantay sa mga kilalang establisyimento at mga tourist spots upang masiguro ang kaligtasan ng madla,


Matatandaang kamakailan ay may naganap na pagsabog sa gitna ng isang misa na dinaluhan ng mga estudyante at guro sa MSU Gym nu'ng umaga ng Linggo.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 3, 2023




Inilarawan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Linggo, Disyembre 3, ang ginawang pagbomba sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na isang malinaw na kaduwagan. Nagpaabot din sila ng panawagan sa pamahalaan para sa mabilisang pag-abot ng katarungan at pagkakasakdal ng mga may sala.


Nagpahayag si BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim ng labis na kalungkutan at pagkabahala sa naganap na pagbomba sa MSU na nagresulta sa pagkamatay ng maraming buhay.


Nagpaabot din si Ebrahim ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi at sinabing inaalala niya ang mga biktimang naapektuhan at sugatan sa nangyari.


Umabot sa 11 tao ang namatay at marami ang sugatan matapos ang naganap na karumal-dumal na pambobomba sa Dimaporo Gymnasium.


Mariin ding kinondena ni Ebrahim ang nangyaring masahol at duwag na gawain at hiniritan naman ng BARMM ang mga awtoridad para sa mas malalim na imbestigasyon upang agarang panagutin ang mga may sala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page