top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 3, 2024


Nakatanggap ng kabuuang P148,848,794 kabayaran ang mga biktima nu'ng 2017 ng Marawi siege, ayon sa Marawi Compensation Board (MCB).


Sinabi ng MCB na ang kompensasyon ay ibinigay sa mga benepisyaryo ng 86 kaso ng mga nasawi pati na rin sa 32 kaso ng claim ng mga property at personal na ari-arian.


Matatandaang nu'ng Hulyo 2023, binuksan ng MCB ang mga applications para sa mga claim kabilang ang claim sa structural properties, kamatayan, at personal na ari-arian, at iba pa.


Ayon sa MCB, halos isang buwan matapos ang pagbubukas, humigit-kumulang 12k katao na ang nagpahayag ng interes sa pag-file ng mga claim.

 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | December 7, 2023




Ipinaalam ng Mindanao State University sa Marawi City na dating estudyante ng eskwelahan ang isa sa 2 sinasabing persons of interest sa nangyaring pambobomba kamakailan.


Aktibong nakipag-ugnayan ang unibersidad sa mga pulisya kaya agad na nakumpirma ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.


Ayon sa Philippine National Police, dati nang nasasangkot sa mga insidente ng pambobomba ang dalawang suspek at may isa pang nagsilbing lookout ang kasalukuyang pinaghahanap.


Sa kabilang banda, muling nagsagawa ng misa sa loob ng unibersidad ilang araw matapos ang malagim na pagsabog at nagpahayag ang paaralan na muli na silang magbabalik sa kanilang face-to-face classes at academic activities sa darating na Lunes.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 7, 2023




Nagpaalala ang Philippine National Police sa publiko nitong Huwebes na maging maingat sa mga kahina-hinalang email matapos nilang makita ang ilang banta ng pambobomba kasunod ng nangyaring pagsabog sa isang misa sa Mindanao State University sa Marawi City nu'ng Linggo.


Ayon kay PNP spokesman Col. Jean Fajardo, sunud-sunod ang kanilang naitalang banta ng bomba kamakailan na agad namang nirespondehan ng kapulisan.


Aniya, base sa imbestigasyong ginawa ng Anti-Cybercrime Group, karamihan sa umiikot na nasabing email ay galing sa labas ng 'Pinas.


Saad ni Fajardo, may isang pekeng email na umano'y galing sa nagngangalang Takehiro Karasawa na sinasabing isang Japanese lawyer ang umiikot hindi lamang sa bansa kundi sa mga bansa tulad ng South Korea, Taiwan, at China, noon pang buwan ng Setyembre at Oktubre.


"Nakikipag-ugnayan na ang ating PNP Anti-Cybercrime group sa ating mga foreign counterparts, para ma-trace ang origin nitong email na ‘to," dagdag niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page