top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | Feb. 4, 2025



Photo: Ang mga nag-overall champion sa tatlong karera ng 711 simultaneous run ng Muntinlupa, Davao at Cebu na sina Eduard Flores, Edsel Mural, Maricar Camacho sa 42km, Richard Salano at Arlan Arbois ng 32km, 2nd place si Nhea Ann Barcena at Macrose Dichoso sa 32km, kasama sina Ricky Organisa at Dickyias Mendioro sa 21km na ginawaran ng cash prize ang mga kampeon ng P25thou ni Jose C. Ang, 711 Head Gen Merchandise Division. (A. Servinio)


Patuloy ang pag-usbong ng baguhang si Eduard Flores at idagdag na ang Run 7-Eleven 2025 sa kanyang mga karangalan.


Naitala ng tubong General Santos ang pinakamabilis na oras sa Marathon na sabay-sabay ginanap sa mga lungsod ng Muntinlupa, Cebu at Davao simula Sabado ng gabi hanggang madaling araw ng Linggo.


Umoras si Flores ng 2:32:07 upang mabuo ang apat na ikot at 42.195 kilometro sa loob ng Filinvest-Alabang sa Muntinlupa.


Pumangalawa si Edsel Moral (2:34:01) habang pangatlo ang kampeon ng Cebu City na si Jerald Zabala (1:34:44). “Pangarap ko talaga maging bahagi ng pambansang koponan,” wika ni Flores na dating manlalaro ng UP-Diliman sa UAAP Athletics.


Makakatikim si Flores kung paano katawanin ang Pilipinas at ang mga nagwagi ay ipapadala sa isang pandaigdigang karera ngayong taon.


Sa panig ng kababaihan, pinakamabilis si April Rose Diaz na kampeon ng Davao at ang oras niyang 3:17:45.


Ito ay 31 segundo lang ang agwat sa kampeon sa Muntinlupa Maricar Camacho na 3:18:16 habang pangatlo si Rosalyn Tadlas ng Davao (3:18:34). Naging malupit ang palitan ng hakbang at sa huli ay nanaig si Richard Salano (1:47:37) kay Arlan Arbois (1:50:40) sa 32-kilometro sa Muntinlupa.


Pangatlo ang kampeon ng Cebu Jason Padayao (1:52:27) sa rutang nagsimula at nagtapos sa Citi de Mare at tampok ang tulay ng Cebu-Cordova Link Expressway.


Sa Cebu rin tumakbo ang pangkalahatang nagwagi sa kababaihan na si Cherry Andrin (2:21:08).


Sinundan siya ng mga sumalang sa Muntinlupa Nhea Ann Barcena (2:23:23) at Macrose Dichoso (2:24:59).


Reyna ng Half-Marathon o 21.1 kilometro ang pambansang atleta Christine Hallasgo na tinapos ang karera sa SM Davao sa 1:24:23 at malayo sa mga kapwa-kampeon Artjoy Torregosa ng Cebu (1:29:47) at Joida Gagnao ng Muntinlupa (1:31:26). Ang mga wagi sa kalalakihan ay sina Ricky Organisa (1:09:25) at Dickyias Mendioro (1:10:24) ng Muntinlupa at John Mark Dizon (1:12:00) ng Cebu. (A. Servinio)

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Feb. 1, 2025



Photo: Salano at Hallasgo

  

Sabay-sabay mapupuno ang mga kalsada ng Muntinlupa, Cebu at Davao sa paglarga ng Run 7-Eleven 2025 ngayong Sabado at Linggo.


Ito na ang pagbabalik ng isa sa pinaka-inaabangang karera na tumatak na sa puso at isip ng mananakbong Filipino. Kabilang sa inaasahang libo-libong mga kalahok ay ilang mga kampeon at matunog na pangalan sa larangan ng takbuhan.


Pinangungunahan ito ng mga pambansang atleta Richard Salano na tatakbo sa Muntinlupa at Christine Hallasgo na lalahok sa Davao.


Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga dadaanan ng karera na Filinvest-Alabang sa Muntinlupa, Citi de Mare sa Cebu at SM Davao Ecoland. Isasara ang mga kalsada sa Sabado bago umalis ang unang karera na Marathon o 42.195 kilometro sa 11:00 ng gabi.


Maliban sa Marathon ay may karera sa 32, 21, 10, lima at talong kilometro. Magkakaroon ng bagong kategorya na 711 metro para sa mga kabataan edad pito hanggang 11 taon.


Bibigyan din ng hiwalay na parangal ang mga Master Athlete o mga edad 60 pataas. Ito ay isa sa mga adbokasiya ng karera na kilalanin ang pagiging matibay ng mga ito sa paglipas ng panahon.


Mahalaga na mabatid na ang tatlong karera sa tatlong lungsod ay sabay-sabay aalis. Magkakaroon ng pangkalahatang kampeon ayon sa mga pinagsamang mga oras. Ang mga kampeon ay ipapadala para katawanin ang Pilipinas sa pandaigdigang takbuhan.


Sa mga nakaraang taon ay nagpadala ng mga atleta sa Vietnam at Thailand. Subalit sa huli ay ang karera ay selebrasyon ng pagtakbo. Aabangan ang pagbuhos ng mga regalo mula sa mga sponsor na naging tatak ng Run 7-Eleven sa nakaraang dekada.


 
 

ni Reymundo Nillama @Sports News | Jan. 29, 2025



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo

Photo: Determinasyon at lakas ang puhunan para maunang tumawid sa finish line sina Kim Remolino kasunod si Matthew Hermosa para sa men's elite sa ginanap na 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) sa Boardwalk ng Subic, Olongapo City, Zambales kahapon. (Reymundo Nillama)



Nanatili kina Andrew Kim Remolino at Raven Faith Alcoseba ang mga titulo sa kalalakihan at kababaihan nang magwagi kahapon sa unang leg ng 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) sa Boardwalk ng Subic, Zambales.


Mabilis na nakapagtala ang 23-anyos na 2nd year Marketing Management sa San Jose Recoletos sa Cebu ng personal na oras na (56:46m) para sa ikalawang sunod na men's elite title habang nanatili kay Alcoseba ang ikaapat sa hawak nitong tatlong sunod na korona sa oras na 1:09.55.


Nagtala si Remolino ng oras na 56 minuto at 56 segundo at iwan ang kapwa Cebuano na si Matthew Justine Hermosa, na may personal best na 56:57 oras. Tumersera ang mula Baguio City na si Dayshaun Ramos (57:16) bagaman kabilang ito sa Junior Elite men bago dumating si Jose Ramos para makamit ang 3rd place sa Elite Men sa oras na 57:22 minuto.


Muling pumangalawa kay Alcoseba si Erika Nicole Burgos ng Tanauan, Batangas sa oras nito na (1:06:33). “Super tough po ang competition laluna galing sa training camp ang lahat ng mga kasali.


Lima kami magkakasabay at nag-catch up lang po ako bike and then sa run,” sabi ng mula Talisay City, Cebu at aquathlon silver medalist sa 2023 Cambodia SEA Games na si Remolino.


“I always briefly bothered by both my knees but I tried my best. I also follow my plans especially sa bike kasi doon ako madalas mag-stock,” sabi ng 22-anyos na 4th year na Civil Engineering student na si Alcoseba.


Tinahak ng mga kalahok sa Triathlon Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission ang 750m swim, 20km bike at 5km run para sa sprint elite, junior elite, para, at age group; at 1.5km swim, 40km bike at 10km run para sa standard age group at team relay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page