top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023



Naghihintay pa rin ang dating senador na si Manny Pacquiao ng pahintulot mula sa International Olympic Committee upang makalahok sa Paris 2024 Games.


Saad niya, nagpadala na ng sulat ang komite ng Olympics sa 'Pinas para humingi ng permiso na pasalihin siya sa darating na taon.


Kailangan niya ring bunuin ang puwesto sa Paris sa pagpanalo ng isa sa dalawang qualification tournaments na magaganap sa susunod na taon sa Italy at Thailand, kung siya ay mabibigyan ng go signal.


Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Pacquiao kahit na lagpas na ang edad niya sa kwalipikado sa Olympics at kasalukuyang sumasabak sa training.






 
 

ni GA @Sports | October 19, 2023




May namumuong espekulasyon at nilulutong malaking bakbakan sa bansang Japan na tila masasaksihan ang pinaka-aabangang rematch sa pagitan nina undefeated Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao para sa isang tinitingnang exhibition match sa bisperas ng Bagong Taon.

Wala pang pinal o pormal na anunsiyo ang magkabilang panig patungkol sa inaantabayanang “May-Pac2” subalit may lumabas na isang promotional poster na nagpapakita ng rematch ng dalawa, kung saan matatandaang sumelyo ng one-fight kontrata ang 44-anyos na Filipino boxing legend sa RIZIN Promotions para lumaban umano sa isang mixed martial arts fighter na kayang lumaban at dumepensa sa kanyang mga atake.

Minsan na ring lumaban sa ilalim ng RIZIN si Mayweather laban sa kickboxing fighter na si Tenshin Nasukawa na nagtapos lang sa first round at mag-uwi ng tumataginting na $10 million para sa three-round exhibition bout noong Dis. 31, 2018 sa Saitama Super Arena sa Tokyo, Japan, na naging panimula ng nagdaang limang exhibition bout ni Mayweather sapul nang magretiro ito sa pamamagitan ng 50-0 kartada sa professional boxing.

Sakaling maganap ang laban, inaasahang malaking pera ang lulustayin ng RIZIN promotions sa pagpapasweldo kina Mayweather at Pacquiao, at maging ang pay-per-view nito ay magiging madugo dahil sa pakikipagsanib puwersa umano sa iba pang network company.

Minsan ng nagtapat sina Mayweather at Pacquiao na tinawag na “Fight of the Century” at “Battle for Greatness” noong Mayo 2, 2015 na nagresulta sa 12-round unanimous decision panalo sa American boxer at mapanatili ang WBA (unified), WBC, The Ring welterweight title at maagaw ang WBO belt na ginanap sa sold-out MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 17, 2023




Makokonsiderang isa sa pinakamahusay sa larangan ng boksing ang nag-iisang eight-division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao – subalit ano naman ang kalalabasan kung sakaling maging trainer at coach ang Filipino boxing legend?

Ito ang ibinunyag ng 44-anyos na fighting pride ng Pilipinas sa social media nitong Miyerkules ng gabi matapos ipakilala ang gagabayang estudyante upang maturuan ng lahat ng kaalaman at natutunan sa mundo ng boksing.

For the first time in boxing history, I decided to get my first and only student. Whom I will train personally from zero and who will become a great boxer,” pahayag ng retired professional boxer sa iba’t ibang social media post, kung saan tinukoy nito ang Philippine-based Ukrainian social media influencer Vladimir Grand.

Isa sa mga kinawiwilihang social media influencer ang 26-anyos na celebrity na mayroong million na followers sa Tiktok at Instagram at libo-libong YouTube subscriber, na nananatiling malapit sa puso ng mga Pinoy dahil sa kanyang kasintahang Filipina na siyang rason kaya’t matagal na nananatili sa Pilipinas ng mahigit tatlong taon.

I still cannot believe this is happening. I’m just blown away by this news, Manny,” sagot naman ni Grand sa rebelasyon ng Filipino sporting icon sa kanilang video announcement. “This is a huge honor and privilege to have you as my coach, my mentor, manager, all in together. I literally losing my speech, but I know this is going to be a long and exciting journey for me, for us, for all of you guys. This is just the beginning. Let’s just get it started.”

Sa kanyang Instagram story ni Grand ay nagsimula na itong magsanay kasama si Pacquiao sa MP Promotions Boxing Gym, kung saan tinuturuan ito ng tamang mga suntok sa boxing mits.“Show some love,” ayon sa post ni Grand.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page