top of page
Search

ni Lolet Abania | June 19, 2022



Ginunita ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal sa pagsasagawa ng wreath-laying ceremony sa kanyang bantayog sa Rizal Park, ngayong Linggo, Hunyo 19.


Ang okasyon ay pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna, kasama ang iba’t ibang personalidad, organisasyon, at mga kaanak ni Rizal na naghandog ng mga bulaklak sa pambansang bayani.


“Bilang mga Pilipino, karapatan natin na alalahanin at pahalagahan ang pagbuwis ng dugo at buhay ng ating mga bayani sa pangunguna ni Dr. Jose Rizal,” pahayag ni Expedito Laurente Gonzales ng Crusaders for the Upliftment of our Faith.


“It’s important for us to cherish not only the memory but also the legacy he has built for us as we can see today,” saad ni Teodoro Kalaw IV ng Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines.


Marami ring naroon sa Rizal Park ang sandaling napahinto sa paglalakad at pamamasyal habang nag-oobserba sila sa ginanap na selebrasyon.


 
 

ni Lolet Abania | June 17, 2022



Sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng bagong na-renovate na Manila Metropolitan Theater sa Manila ngayong Biyernes ng umaga.


Sa isang statement sa Facebook, ayon sa MET, nagsimula ang sunog sa isang kuwarto sa unang palapag ng kanilang Padre Burgos Wing na kasalukuyang nire-renovate.


“Hindi na kumalat pa ang sunog sa ibang bahagi ng complex o ng Tanghalan, at tuluyang naapula ng pasado alas-9 ng umaga,” pahayag ng pamunuan ng teatro.



Batay sa spot report ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog na itinaas sa ikalawang alarma, ay idineklarang under control ng alas-9:23 ng umaga habang fire out ng alas-9:41 ng umaga.


Ayon pa sa Metropolitan Theater, wala namang nasaktan sa insidente, at wala ring mahahalagang bagay ang nasira at nadamay matapos ang sunog.


 
 

ni Lolet Abania | June 16, 2022



Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Linggo, Hunyo 19, ng road closures at rerouting sa ilang bahagi sa Manila para magbigay daan sa gagawing marathon event.


Sa isang Facebook post, sinabi ng MMDA, ang mga sumusunod na mga kalsada ay isasara mula alas-3:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon onwards sa naturang petsa:


• Roxas Blvd., mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue

• Bonifacio Drive, mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive

• Katigbak Drive at South Drive

• Independence Rd.

• P. Burgos Ave., mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge

• Ma. Orosa St., mula P. Burgos hanggang Kalaw

• Finance Rd., mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue

• Northbound lane ng Taft Avenue, mula Ayala Boulevard hanggang P. Burgos Avenue

• Muralla St., mula Sta. Lucia St. hanggang Real St.

• Real St., mula Muralla St. hanggang Sta. Lucia St.

• Sta. Lucia St., mula Real St. hanggang Muralla St.

• Quintin Paredes St., mula Jones Bridge hanggang Ongpin St.


“Actual closing and opening of affected roads will be based on actual traffic situation,” pahayag ng MMDA.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page