top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 1, 2023




Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga motorista na magpapatupad ng partial road closure sa Lagusnilad vehicular underpass upang bigyan daan ang rehabilitasyon.


Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ipatutupad ang partial road closure mula Mayo 2, 2023 hanggang Setyembre 2023.



Pinapayuhan ang lahat ng sasakyan na dadaan sa Taft Avenue na gumamit ng alternatibong ruta.


Magkakaroon din ng groundbreaking ceremony para sa Lagusnilad vehicular underpass Rehabilitation sa Mayo 2, alas-8:30 ng umaga.

 
 

ni Lolet Abania | July 5, 2022



Muling binuksan sa publiko ang National Museum of the Philippines (NMP) ngayong Martes matapos ang pansamantalang pagsasara nito para sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo 30.


Mula Hunyo 6 hanggang Hulyo July 4, ang National Museum of Fine Arts sa Old Legislative Building, Padre Burgos Drive sa Manila ay isinara dahil sa ginanap na oath-taking ni Pangulong Marcos.


“The NMP Complex in Manila reopens today, July 5, 2022, after temporarily closing to the public for the inauguration of President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.,” batay sa pahayag ng pamunuan ng museum sa Twitter.


“Visit us from 9:00 am to 6:00 pm. No need for reservations, ADMISSION IS FREE!,” dagdag pa nila.


Ayon sa NMP, ang lugar ay pansamantalang isinara sa publiko upang magbigay-daan sa espesyal na paghahanda at arrangements na pangungunahan ng inauguration committee.


Bukod sa National Museum of Fine Arts, ang NMP Complex ay mayroon ding National Museum of Anthropology at ang National Museum of Natural History.


 
 

ni Lolet Abania | June 27, 2022



Sinimulan na ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng road closures nitong Linggo ng gabi bilang bahagi ng security measures para sa June 30 inauguration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa ulat ngayong Lunes, alas-11:00 ng Linggo ng gabi, Hunyo 26, inumpisahan nang isara ang mga sumusunod na kalsada sa paligid ng National Museum sa Maynila sa mga motorista:


• Padre Burgos Avenue

• Finance Road

• Maria Orosa St. mula TM Kalaw hanggang Padre Burgos General Luna St., mula Padre Burgos-Muralla St.


Sarado ang mga nabanggit na kalsada sa trapiko hanggang alas-11:00 ng gabi ng Hunyo 30, ang nakatakdang araw ng panunumpa ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa National Museum.


Ang mga sumusunod na kalsada sa Maynila na isasara mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-11:00 ng gabi sa Hunyo 30:


• Ayala Boulevard

• Victoria Street mula Taft Avenue hanggang Muralla Street


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong motorista ay maaaring dumaan sa mga sumusunod na ruta:


Mula Roxas Boulevard northbound:

• Turn right sa UN Avenue o TM Kalaw Avenue

• Turn left sa Taft Avenue


Mula Roxas Boulevard eastbound:

• Left sa TM Kalaw o UN Avenue

• Right sa Taft Avenue


Ang mga sumusunod na kalsada naman na malapit sa Malacañang at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ay isasara rin sa mga motorista sa sumusunod na mga petsa:


• Mendiola Street: Hunyo 29, 12:01AM, hanggang Hunyo 30, 11PM

• Jalandoni St., PICC, Pasay City: Hunyo 30, 4AM-11PM

• Legarda Street mula San Rafael hanggang Figueras St., Manila: Hunyo 30, 1-11PM


Ayon sa MMDA, magde-deploy sila ng 2,000 personnel upang magmando sa trapiko sa Hunyo 30.


Bukod sa mga MMDA traffic enforcers, ang mga personnel mula sa Manila Police District (MPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), City Government ng Manila, at ang Presidential Security Group (PSG) ay itatalaga rin sa parehong araw upang tiyakin ang security, peace, and order sa nasabing okasyon.


Samantala, ang National Museum ay sarado sa publiko hanggang Hulyo 5.


Ayon naman sa NCRPO, ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drones mula sa loob ng one-kilometer radius ng National Museum.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page