top of page
Search

ni Lolet Abania | July 3, 2022



Nag-anunsiyo ang Manila Water Company, Inc. na makararanas ang ilang mga kostumer sa Makati City at Quezon City ng water service interruption simula Hulyo 4 hanggang 5, 2022.


Sa isang advisory na ipinost sa Twitter, ayon sa Manila Water, ang mararanasang water service interruption ay dahil sa line maintenance activities na nakaiskedyul sa mga itinakdang araw.


Ang ang apektadong lugar ay ang mga sumusunod:


• Bahagi ng Bgy. Pembo, Makati City: mula 10PM ng Hulyo 4 hanggang 4AM ng Hulyo 5

• Bahagi ng Bgy. Blue Ridge B, Quezon City: mula 10PM ng Hulyo 4 hanggang 5AM ng Hulyo 5

• Bahagi ng Bgy. Horseshoe, Quezon City: mula 10PM ng Hulyo 5 hanggang 5AM ng Hulyo 6.


“Manila Water is advising all residents of the affected areas to store enough water to supply their needs during the service improvement activity,” pahayag ng kumpanya.


Paalala naman ng Manila Water sa mga apektadong residente na hayaan munang dumaloy ng ilang minuto ang tubig sa kanilang mga gripo kapag bumalik na ang serbisyo nito hanggang sa maging malinaw na ang tubig.


Ayon pa sa kumpanya, ang mga kostumer ay maaaring tumawag sa kanilang hotline 1627 o via Facebook o Twitter para sa iba pang katanungan.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 26, 2021



Gumuho ang malaking bahagi ng isang kalsada habang may isinasagawang pipelaying project ang Manila Water sa Coronado Street, Brgy. Hulo, Mandaluyong City.


Malapit ito sa Pasig River at ang mga kabahayan naman ay nasa kabilang bahagi nito.


Nakapasok umano sa hinuhukay na bahagi ng kalsada ang tubig mula sa ilog na siyang naging dahilan upang lumambot ang lupa.


Ayon kay Barangay Hulo chairman Bernadino Maglague, ginawan na ng paraan ng contractor ng proyekto upang mapigilan ang pagpasok pa ng tubig.


Tinambakan na rin ang mga apektadong bahagi ng kalsada at nangako umano ang contractor na tatapusin ang pagsasaayos sa loob ng tatlong araw.

 
 

ni Lolet Abania | September 17, 2021



Mawawalan ng serbisyo ng tubig sa 14 na barangay o nasa 38,000 kabahayan sa Mandaluyong City at San Juan City simula Setyembre 20 hanggang 21, ayon sa abiso ng Manila Water ngayong Biyernes.


Magkakaroon ng water interruption simula alas-11:00 ng gabi ng Lunes, Setyembre 20 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw ng Martes, Setyembre 21.


Paliwanag ng Manila Water, magsasagawa sila ng maintenance activities sa cor. Ideal Street sa harap ng Nissan Shaw sa Barangay Addition Hills.


Ang mga apektadong barangay sa Mandaluyong ay Addition Hills, Barangka Drive, Barangka Ibaba, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Highway Hills, Hulo, Malamig, Mauway, Northeast Greenhills, Plainview, Pleasant Hills, Wack-wack East Greenhills habang sa San Juan ay sa Greenhills.


Payo naman ng water concessionaire sa mga residente na paghandaan at mag-ipon na ng sapat na tubig na gagamitin para sa mga oras na pansamantalang mawawala ang serbisyo nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page