top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021



Umabot na sa mahigit isang milyon ang naibakuna sa Manila simula nang mag-umpisa ang vaccination program laban sa COVID-19 noong Marso, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Manila Public Information Office, umabot na sa 1,000,021 ang naiturok na COVID-19 vaccines ngayong Lunes, alas-9:00 nang umaga.


Sa naturang bilang, 657,748 ang para sa first doses habang 342,273 naman ang para sa second doses.


Samantala, patuloy na nananawagan sa publiko si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na magpabakuna laban sa COVID-19.


Saad ni Mayor Isko, “Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksiyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao. Hindi lang dahil tayo ay taga-Maynila, kung hindi bawat mamamayan.


"Huwag tayong matatakot. Huwag tayong susuko. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Mananalo tayo. Siguradong mananalo tayo.


“Magtulung-tulong tayo. Tayo rin ang magkikita sa finals. Isang bangka lang tayo, wala nang iba.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021



Bumuhos ang pakikiramay at pakikidalamhati ng mga opisyal ng bansa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa edad na 61 ngayong Huwebes.


Una nang naglabas ng pakikidalamhati si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen at aniya, "It is with profound sadness that I learned this morning of the passing of former President Benigno S. Aquino III. I knew him to be a kind man, driven by his passion to serve our people, diligent in his duties, and with an avid and consuming curiosity about new knowledge and the world in general.


“I saw him carry his title with dignity and integrity. It was an honor to have served with him. He will be missed.”


Pahayag naman ni Vice-President Leni Robredo, “Nakakadurog ng puso ang balitang wala na si P-Noy. Mabuti siyang kaibigan at tapat na pangulo.


“He tried to do what was right, even when it was not popular. Tahimik at walang pagod siyang nagtrabaho para makatulong sa marami. He will be missed.


“Nakikiramay ako sa kanyang pamilya.”


Saad naman ni dating Vice-President Jejomar Binay, “Noynoy and I may have had political differences during the last few years of his term, but that will not diminish the many years of friendship between our families.


“My deepest condolences to the family. God speed, Pareng Noy.”


Saad naman ni Senate President Tito Sotto, “No matter what political side you’re on, when a former president passes away, the country mourns.


“His death diminishes us all.


“Sincerest condolences from the Senate and my family to the family of President Benigno C. Aquino III.”


Saad naman ni Senator Imee Marcos, “My heartfelt condolences to the family of former President Benigno C. Aquino III, a ‘classmate’ in Congress from 1998 to 2007.


“I will always treasure the memories of our long years together as freshmen legislators and members of a tiny opposition.


“For beyond politics and much public acrimony, I knew Noynoy the kind and simple soul. He will be deeply missed.”


Samantala, maging ang lokal na pamahalaan ng Davao City ay nagpahayag din ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni ex-P-Noy.


Saad ng City Government of Davao, “The City Government of Davao is one with the nation in praying for the eternal repose of the soul of former President Benigno Aquino III.


“The Philippine flag in the entire Davao City shall be flown at half-mast until his burial. Thank you.”


Maging ang bandila sa Maynila ay ini-half-mast din.


Saad pa ng Manila Public Information Office, “Flags in the City of Manila are flown at half-mast as the nation’s capital mourns the passing of former Philippine President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.”


 
 

ni Thea Janica Teh | September 4, 2020



Arestado ang isang ‘di pinangalanang 40-anyos na ginang sa Santa Cruz, Maynila dahil sa

negosyo nitong pagawaan ng pekeng dokumento.


Agad na nagsagawa ng entrapment operation ang Manila Police District Station 3 sa

puwesto ng ginang sa Sulu Cor. Remegio Street. Nakita ng mga ito ang mga ginagamit sa

ilegal na paggawa ng dokumento tulad ng computer at printer.


Tumambad din sa mga pulis ang mga pekeng IATF ID, quarantine pass at travel authority ng Joint Force COVID Shield na makukuha lamang sa istasyon ng pulis.


Bukod pa rito, nagkalat din ang mga medical certificate gamit ang pangalan ng ilang ospital at clinic. Karamihan dito ay mga resulta ng swab test at rapid test mula sa Manila Health Department.


Nagkaroon umano ng lead ang mga pulis matapos may mahuling gumagamit ng pekeng

travel authority mula sa kanilang istasyon na hindi naman sa kanila nanggaling.


Ayon kay Police Lt. Col. John Guiagui, hepe ng MPD station, matapos ang insidenteng ito ay itinuro na sa kanila kung saan ito nagpagawa. Sa halagang P300 ay nakakuha na ito ng dokumento.


Sagot naman ng suspek, pinapa-scan lamang ng mga customer ang kanilang dokumento at taga-imprenta lamang sila.


Agad na isinara ang puwesto at nahaharap ngayon ang may-ari nito ng kasong falsification and use of falsified document.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page