top of page
Search

ni Lolet Abania | August 25, 2021



Nakalabas na si Manila Mayor Isko Moreno sa Sta. Ana Hospital ngayong Miyerkules matapos na magpositibo sa test sa COVID-19 noong Agosto 15.


“Nakalabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Punong Lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos gumaling mula sa sakit na COVID-19,” ayon sa Manila Public Information Office, kung saan namalagi sa Sta. Ana Hospital ang alkalde ng 10-araw. Sa isang Facebook post, nai-share ni Moreno ang kanyang mga photos habang papaalis na ng Manila Infectious Disease Control Center.


“Salamat po sa Diyos,” ani Moreno. Ayon kay Manila Public Information officer Julius Leonen, kahit kinokonsiderang nakarekober na si Moreno, kailangan pa rin niyang mag-isolate sa humigit-kumulang na tatlong araw.


“Eleventh day ngayon ng illness ni Mayor. Fifth day na na asymptomatic. Pero isolate muna siya for more or less three days. Tagged na siya as recovered,” sabi ni Leonen sa isang text message. Unang naiulat na ang alkalde ay nakaranas ng pag-uubo, sipon at pananakit ng katawan.


Nitong Agosto 20, sinabi naman ni Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla sa isang medical bulletin na si Moreno ay nawalan ng pang-amoy at panlasa. Gayunman, ayon kay Padilla si Moreno ay mayroon lamang mild COVID-19 symptoms.


 
 

ni Lolet Abania | August 15, 2021



Nagpositibo si Manila Mayor Isko Moreno sa test sa COVID-19. Ayon sa Manila Public Information Office ngayong Linggo, nagtungo si Moreno sa Sta. Ana Hospital bandang alas-6:48 ng gabi.


“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno.


Tiniyak naman ng alkalde sa kanyang mga kababayan na patuloy ang city government ng kanilang operasyon at pagsisikap laban sa pandemya ng COVID-19. “Kapit lang.


Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” sabi ni Moreno.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 9, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, ayon sa Manila Public Information Office noong Linggo.


Pahayag ni Lacuna, “Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakalulungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pansumandaling magpahinga at magpagaling.


“Inaasahan ko po ang inyong pag-unawa at hinihiling ko ang inyong panalangin para sa ating lahat. Patuloy po tayong mag-ingat at sundin ang mga itinakdang safety protocols.”


Samantala, noong Linggo, pumalo na sa 1,658,916 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala ang 9,671 bagong kaso.


Sa ngayon ay mayroon pang 77,516 aktibong kaso sa bansa at umakyat na sa 29,122 ang bilang ng mga pumanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page