top of page
Search

ni Twincle Esquierdo | December 13, 2020




Inaresto ng Manila Police District Station 3 ang 20 katao na pumunta sa isang reception ng binyag sa Manila North Cemetery nitong Sabado ng gabi. Nilabag ng mga suspek ang health protocol na ipinatupad ng Department of Health (DOH) laban sa Covid-19.


Nagulat na lamang ang mga bisita nang biglang dumating ang mga pulis kung saan ginanap ang nasabing reception. Naglagay din sila ng tent para sa nasabing reception, walang mga suot na face mask at face shield at nagbi-videoke pa habang nag-iinuman.


Dinala sa isang covered court malapit sa Station 3 ng MPD sa Sta. Cruz, Maynila ang mga inaresto at nahaharap sa reklamong paglabag sa health protocols.


Nauna nang nagbabala ang DOH na bawal ang pagbi-videoke dahil mataas ang tsansang makapag-transmit ng virus habang kumakanta dahil iisang mic lang ang ginagamit na pinagpapasa- pasahan.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 4, 2020



Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang bahay sa Port Area, Maynila nitong Martes.


Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktima na si Muktar Tahajid, 29-anyos at kabilang sa Yakan Tribe sa Central Sumusip, Basilan.


Napag-alamang huli siyang tumira sa Block 105, Barangay 650 kung saan siya pinaulanan ng bala. Sinubukan pa umanong tumakas ni Tahajid at tumakbo mula Mel Lopez Boulevard hanggang sa isang bahay ngunit, inabutan ito ng suspek.


Suwerte namang wala ang mga may-ari ng bahay na pinasukan ng biktima at nasa Divisoria kaya naman walang nadamay sa pamamaril.


Sa ngayon ay inaalam pa ng MPD Homicide Section ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pagpatay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page