top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2021



Dalawa ang patay matapos mag-amok ang isang pulis sa headquarters ng Manila Police District (MPD) noong Biyernes nang gabi.


Ayon sa MPD, lasing diumano si Police Executive Master Sgt. Reynante Dipasupil nang magtungo sa headquarters at nagpaulan ng putok ng baril at pagkatapos ay nagtangka siyang tumakas at nagtungo sa Gate 4 ng headquarters.


Nagkaroon ng shootout nang sinubukang harangin nina Police Master Sgt. Romeo O. Cantal at Police Staff Sgt. Ferdinand Francia si Dipasupil.


Nagtamo ng gunshot wounds sina Dipasupil at Cantal at kinalaunan ay parehong pumanaw habang nasa ospital.


Samantala, pinaiimbestigahan na ni MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco ang insidente.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 10, 2021




Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kinalaman ang bakuna kontra COVID-19 sa mga taong nagpopositibo pa rin sa virus matapos mabakunahan, ayon sa pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Aniya, "Hindi po dapat mabahala ang public regarding this matter. Kailangang maintindihan natin ang sitwasyon. Sa pag-a-analyze namin ng datos ng mga nagkakaroon ng COVID-19 ay nakikita po natin na the persons were already incubating during the time they were vaccinating."


Kaugnay ito sa namatay na miyembro ng Manila Police District dahil sa COVID-19, ilang araw matapos mabakunahan ng Sinovac.


Iginiit ni Vergeire na hindi dapat katakutan ang mga bakuna, partikular na ang bakunang gawa ng China sapagkat dumaan 'yun sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.


"Kailangan nating alalahanin na ang full effect ng bakuna ay makukuha natin mga 3 to 4 weeks after you get your second dose. Halimbawa, nakakuha kayo ng first dose, hindi pa ganoon kataas ang antibody tighter natin to give or to receive the full protection of the vaccine," paliwanag pa niya.


Matatandaang pinayagan na ring iturok ang Sinovac sa mga senior citizens mula noong naubos ang supply ng AstraZeneca sa ‘Pinas.


Kamakailan lang din nang suspendihin sa ibang bansa ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccines dahil sa hinihinalang blood clot na adverse event na ikinasawi ng ilang nabakunahan nito.


Sa ngayon ay posibleng dalawang linggo pa ang hihintayin bago muling irekomenda ng World Health Organizations (WHO) ang AstraZeneca sa publiko.

 
 

ni Lolet Abania | December 16, 2020




Inatasan ni Mayor Isko Moreno ang kapulisan at health officials sa Maynila na mag-imbestiga kung may nagaganap na ilegal na aktibidad ng COVID-19 vaccination sa Binondo.


Sa inilabas na memorandum para kina Dr. Arnold Pangan, acting city health officer; Levi Facundo, officer-in-charge ng Bureau of Permits; at Police Brig. Gen. Leo Francisco, director ng Manila Police District, iniutos ni Moreno na i-report agad ang diumano’y hindi awtorisadong COVID-19 vaccination na nangyayari sa naturang lugar.


"If true, this is definitely unauthorized since the undersigned has not ordered the same nor is he aware or informed that any national government agency will already conduct the said activity," sabi ni Moreno.


"Moreover, the national government has not yet approved any form of COVID-19 vaccination," dagdag ng alkalde. Ayon pa kay Moreno, posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga mamamayan ang pagsasagawa ng walang pahintulot na pagbabakuna.


Nagbigay din si Moreno ng direktiba sa mga local officials na agad isumite ang kanilang imbestigasyon sa loob ng 48 oras upang masampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad na ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page