top of page
Search

ni Lolet Abania | October 3, 2021



Dinagsa ng mga init-init na mga indibidwal habang sarap na sarap ang mga ito na nagtatalunan sa tubig ng Manila Bay ngayong Linggo.


Hindi alintana ng mga ito, bata man o matanda na mag-swimming habang ang iba naman ay nagpapahinga sa breakwater ng Manila Bay sa kahabaan ng Macapagal Boulevard malapit sa Senate sa Pasay City sa kabila na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR).


Una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mga indibidwal na isagawa ang outdoor exercises para sa lahat ng edad, may comorbidities at anuman ang vaccination status, subalit kailangan pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards at pagsusuot ng face masks, gayundin ang pagkakaroon ng physical distancing.


Samantala, mahigit sa 100 katao ang natiketan ng pulisya matapos na mahuling nagsu-swimming sa Manila Bay, sa may Diokno Boulevard sa Pasay City. Sa ulat, naisyuhan ng tiket ang mga ito dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 28, 2021



Binigyan na ng pormal na pangalan ang dolomite sand beach sa Maynila at tinawag na itong Manila Baywalk Dolomite Beach.


Nilagyan na rin ng arko ang lugar nitong weekend na may nakalagay na pangalan nito.


Naging viral pa ito sa social media dahil walang espasyo ang bawat salita noong una pero naayos na ito.


Mapapansin din na may puting bakod na ang halos buong Baywalk.


Sa kasalukuyan ay pinapayagan lang ang mga nagdya-jogging at biking, pero bawal pa ang pumasok sa beach area.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 17, 2021



Sa iminungkahing P1.6 bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Manila Bay sa 2022, hindi na raw kabilang ang pagsasaayos ng ‘dolomite beach’, , ayon sa isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Nakalaan umano ang pondo para sa rehabilitasyon ng iba't ibang river systems na konektado sa Manila Bay.


“The P1.6 billion will comprise not for the dolomite, because budget for dolomite was already given to us during 2020 and 2019,” ayon sa opisyal.


Ang pondo raw ay para sa rehabilitasyon ay gagamitin para sa paglilinis ng mga creek at estero.


Bagaman mayroon mga natuwa sa dolomite artificial beach, marami rin ang bumatikos sa naturang proyekto na umaabot umano sa P389-milyon ang pondo na ginawa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page