ni Angela Fernando - Trainee @News | November 28, 2023
Inaasahang magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Maynila sa muling pagbubukas ng bagong-rehabilitadong Lagusnilad vehicular underpass ngayong Martes.
Kinumpirma ni Manila Mayor Honey Lacuna na magiging malaki ang kaluwagan nito sa trapiko.
Matatandaang nagdulot ng mabigat na trapiko ang pagsasara ng Lagusnilad para sa rehabilitasyon nito na nagsimula nu'ng Mayo.
Kasama sa P75-milyong rehabilitasyon ang pag-aayos sa pumping system, daanan ng kanal, at pagkakumpuni ng mga butas sa kalsada.
Naglagay rin ng mga ilaw at solar studs ang mga awtoridad para sa seguridad ng mga motorista.
Samantala, ikinatuwa ng mga drayber ng Public Utility Vehicle (PUV) ang pagbubukas nitong muli dahil luluwag ang mga kalsada.