ni Lolet Abania | November 12, 2021
Ipinahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nakatakdang i-review o repasuhin ng Metro Manila mayors ang age restrictions para sa mga menor-de-edad sa pagbisita sa mga malls matapos ang mga naiulat na isang 2-taon-gulang na lalaki ay magpositibo umano sa test sa COVID-19 makaraang bumisita sa isang mall.
“That’s very unfortunate. That’s why we are still reminding everyone to follow the public health protocols and for the parents to discern in bringing their kids to the mall to be careful and only if it’s necessary,” sabi ni Año sa isang mensahe.
“The MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) mayors are also reviewing the age restrictions to be allowed to go to the mall. While we have low COVID-19 cases, pandemic is still not over. It’s within the authority of LGUs (local government units) to put restrictions as the situation may call for,” dagdag ni Año.
Ang naturang report ay mula sa isang doktor na nai-share sa isang social media post nitong Nobyembre 10 na aniya, isang 2-anyos na bata ay nagpositibo sa test sa COVID-19 matapos na bumisita sa isang mall tatlong araw na ang nakalilipas.
Matatandaang sinabi ni MMDA chairperson Benhur Abalos na ang mga minors sa National Capital Region (NCR) ay papayagan nang lumabas ng bahay matapos ang halos dalawang taon na pananatili ng mga ito sa loob ng bahay dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon pa kay Abalos, ang intrazonal at interzonal travel ay papayagan na rin mga minors matapos naman na ang NCR ay isinailalim sa Alert Level 2 quarantine classification.