top of page
Search

ni Lolet Abania | August 24, 2021



Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong ng PDP-Laban na tumakbo siya bilang vice-president para sa 2022 elections, ayon mismo sa partido ngayong Martes.


“President Duterte agreed to make the sacrifice, heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of PDP-Laban party for him to run as Vice-President in the 2022 national elections,” ayon sa pahayag ng PDP-Laban.


Ang statement ay pinirmahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na executive vice-president ng PDP-Laban.


Wala pang kumpirmasyon ang Malacañang hinggil dito, subalit sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mag-aanunsiyo si Pangulong Duterte sa kanyang Address to the Nation ngayong Martes nang gabi.


Ayon kay Roque, ang Punong Ehekutibo ay nakipagpulong kay PDP-Laban President at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi nitong Lunes nang gabi.

 
 

ni Lolet Abania | August 16, 2021



Hangad ng Malacañang ang agarang paggaling ni Manila Mayor Isko Moreno matapos na ito ay magpositibo sa test sa COVID-19.


“We wish Mayor Isko Moreno good health and we hope he gets well soon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa briefing ngayong Lunes.


Si Moreno na fully vaccinated na kontra-COVID-19 ay kasalukuyang naka-confine sa Sta. Ana Hospital sa Manila matapos na makaramdam ng sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo at pananakit ng katawan.


Gayunman, giit ni Roque na ang lahat ng coronavirus vaccines ay epektibo na maiwasan na maging severe at masawi dahil sa naturang virus.


“The mayor’s case will only be moderate because he is already vaccinated,” ani Roque.

 
 

ni Lolet Abania | August 9, 2021



Sinampahan ng kaso ng mga awtoridad ang limang indibidwal na nagpakalat umano ng fake news hinggil sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno, ayon sa Malacañang.


Isinisi naman ng mga opisyal ng gobyerno ang maling impormasyon na natanggap, na ang mga unvaccinated ay hindi bibigyan ng cash aid sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), kaya dinumog ng mga tao ang ilang vaccination sites sa Manila at Las Piñas sa Metro Manila at sa Antipolo City sa Rizal.


“The police has said that cases have been filed against five people for unlawful utterances,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing ngayong Lunes, batay sa impormasyong ibinigay sa kanila ng Philippine National Police-Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM).


Matatandaang isinailalim ang Metro Manila sa ECQ, ang pinakamahigpit na quarantine level, na nagsimula noong Agosto 6 hanggang 20 para maiwasan ang pagkalat pa ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant.


Noong Hulyo 28, nagbigay naman ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at barangay officials na huwag payagan ang mga hindi pa bakunado na gumala-gala sa kalsada upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Gayunman, nabanggit ni Roque na ayon kay Pangulong Duterte, hindi na dapat sisihin ang mga dumagsang indibidwal na nagtungo sa mga vaccination centers sa Metro Manila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page