top of page
Search

ni Lolet Abania | March 25, 2022



Nagbabala ang Malacañang sa publiko patungkol sa pagbili at pagbenta ng kanilang mga boto para sa 2022 national and local elections dahil may katumbas itong mga election offenses o kaparusahan.


Nag-isyu si acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan ng paalala, 45-araw bago pa bumoto ang mga Pilipino ng mga susunod na mga lider ng bansa, mula sa pangulo hanggang sa municipal councilors, sa Mayo 9, 2022.


“The Palace reminds the Filipino people that vote-buying and vote-selling are prohibited acts under the Omnibus Election Code so bawal po tumanggap at bawal din po bumili ng boto,” pahayag ni Ablan sa isang news conference ngayong Biyernes.


“Anyone found guilty of these prohibited acts under the Omnibus Election Code will face penalties of imprisonment and fine,” dagdag ni Ablan.


Batay sa nakasaad sa batas, “any person found guilty of any election offense shall be punished with imprisonment of not less than one year but not more than six years. He or she is also denied the right to vote and is prohibited from entering public office. A fine is imposed on any political party found guilty.”


Iginiit naman ng Commission on Elections (Comelec) na kahit na walang pormal na reklamo hinggil dito, aaksiyunan agad nila ang mga insidente ng vote-buying.


Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang pagkilos ng poll body ay nakabase sa mga reports mula sa kanilang field personnel na silang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga insidente ng vote-buying.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 17, 2022



Ang mga benepisyaryo ng P200 monthly ayuda mula sa gobyerno ay puwede nang makakuha simula ngayong buwan, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


Sa isang interview, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang mga benepisyaryo ay ang mga nakakatanggap ng subsidiya sa gobyerno sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


"That's about 12 million individuals," aniya.


Sa ilalim ng 4Ps program, ang isang household ay maaaring makatanggap ng P1,400 hanggang P3,000 kada buwan bilang health at education grants depende sa bilang ng anak at nakadepende kung pasok sa mga kondisyon ng gobyerno.


Ang monthly P200 subsidy — na ibibigay bilang "unconditional" cash transfer, ayon kay Andanar — ay ipamamahagi sa buong taon.


"Ito pa ay on top of the 4Ps na ibibigay doon sa ating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program," ani Andanar.


Nang tanungin kung kailan sisimulan ang distribusyon, sinabi ni Andanar, "Once na ma-download yung pera na nagkakahalaga ng P33 billion ay ibibigay na po talaga at ang target po ay this month masimulan na."


Kahapon, Miyerkules, nnaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o ayuda sa buong taon para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 
 

ni Lolet Abania | March 8, 2022



Posibleng magdeklara ng state of economic emergency sa bansa kaugnay sa epekto ng walang tigil na pagtataas ng produktong petrolyo at ng kasalukuyang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Sa Palace briefing, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang deklarasyon ng state of economic emergency ay kanilang pag-aaralan sa Office of the Executive Secretary.


“Ito ay masusing pag-aaralan ng Palasyo sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary,” sabi ni Andanar.


Ayon kay Andanar, ipinanukala na ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ang tinatawag na government interventions para mapagaan ang epekto ng fuel price hikes at ang nangyayaring labanan ng Ukraine at Russia.


Aniya, ang team ang mag-a-assess kung magiging sapat ito para tugunan ang isyu ng ekonomiya sa bansa.


Ayon din kay Andanar, maaaring magdulot ng isang “full-blown war” o “world war” kapag nagdeklara ng economic emergency.


Tinanong naman ang opisyal hinggil sa ispesipikong sitwasyon na magreresulta sa deklarasyon ng economic emergency.


Paliwanag ni Andanar, “It will require the full Cabinet (members) and it will require the security cluster, the economic cluster to convene on this. And of course, the President will be the one who would chair this meeting…Well, it’s not yet happening.”


Kinuwestiyon din siya kung papasok ba ang gobyerno sa tinatawag na energy resources sa Recto Bank para makatulong sa impact ng sinasabing krisis sa ekonomiya.


“It’s going to need the cooperation of our big private partners in this Republic. Alam mo naman na pagdating doon sa oil exploration, no one government can do this alone,” sabi ni Andanar.


“We need the expertise of other big businesses, expertise of other countries, nations that are used to the exploring of energy from the earth,” saad pa ng opisyal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page