top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 10, 2023




Sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Timor Leste President José Ramos-Horta para sa isang bilateral meeting sa Kalayaan Ground sa Malacañang, ngayong umaga ng Biyernes.


Matapos ang seremonya kung saan nagtagpo sina Horta at Marcos kasama ang iba pang opisyal ng Gabinete, pumasok ang dalawang pinuno sa Palasyo para sa paglagda sa guestbook.


Nagsagawa sila ng bilateral meeting kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng ugnayan sa pulitika, teknolohiya, edukasyon, at ekonomiya.


Dumating si Horta sa Maynila noong Nobyembre 8 at nagdaos ng mga pagpupulong sa ilang ahensya ng gobyerno sa bansa bago ang kanyang pulong kasama si Marcos.

 
 

ni Lolet Abania | July 4, 2022



Ipinahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na wala pang nakaiskedyul na state visits si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


“The President has not announced any state visits as of now,” ani Cruz-Angeles sa isang Palace briefing ngayong Lunes nang tanungin siya para kumpirmahin kung si Pangulong Marcos ay bibisita sa China ngayong linggo.


“He is busy building up the Cabinet so we have to wait for an announcement if there is indeed such a thing,” saad ni Cruz-Angeles.


Nang kwestiyunin naman siya sa posibilidad na pagbisita ni P-BBM sa Washington kasunod ng nai-report na imbitasyon dito mula kay US President Joe Biden, sinabi ni Cruz-Angeles, “Let’s wait for Malacañang to formally acknowledge it and they will probably make the announcement with regards to whether or not it’s going to happen.”


Si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang nagbanggit sa imbitasyon ni US President Biden kay Pangulong Marcos na bumisita sa Washington.


Aniya, ang letter of invitation ay ibinigay kay P-BBM ni Second Gentleman Douglas Emhoff na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong Hunyo 30.


Ayon kay Romualdez, wala pang naitakdang iskedyul tungkol dito dahil kailangan na napagkasunduan ito ng parehong panig.


Una nang sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na si Pangulong Marcos ay libre nang makapapasok sa Amerika dahil sa tinatawag na diplomatic immunity para sa kanya.


Ito ang naging tugon ni Sherman sa tanong sa kanya kung maaari nang makapasok si P-BBM sa kanilang bansa sa gitna ng isang contempt order na pumipigil dito sa pagpasok sa US ng ilang taon.


 
 

ni Lolet Abania | June 30, 2022



Tumanggap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng military honors sa Malacañang Palace matapos ang kanyang inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Manila habang pinangunahan ang oathtaking ng kanyang mga Cabinet members ngayong Huwebes.


Kasama ni P-BBM sina First Lady Liza Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, Simon Marcos, at Vincent Marcos sa Malacañang.


Pinanumpa naman ng bagong Chief Executive ang mga miyembro ng Cabinet niya na magsisilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon, kabilang na si Vice President Sara Duterte na mangunguna sa Department of Education (DepEd).


“This is the first act of actual work that we will be doing for this administration. So let’s get the official part done so that we can get on with the job,” pahayag ni Pangulong Bongbong sa kanyang aides, ilang oras mtapos ang kanyang oathtaking bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.


Pinangalanan din ni P-BBM ang mga personalidad na hahawak ng mga government posts at tutulong sa kanyang pamamahala sa bansa na sina:


• Victor Rodriguez - Executive Secretary

• Vice President Sara Duterte - Department of Education

• Benjamin Diokno - Department of Finance

• Arsenio Balisacan - National Economic and Development Authority

• Jesus Crispin Remulla - Department of Justice

• Emmanuel Bonoan - Department of Public Works and Highways

• Bienvenido Laguesma - Department of Labor and Employment

• Susan Ople - Department of Migrant Workers

• Alfredo Pascual - Department of Trade and Industry

• Erwin Tulfo - Department of Social Welfare and Development

• Christina Garcia-Frasco - Department of Tourism

• Ivan John Enrile Uy - Department of Information and Communications Technology

• Benhur Abalos - Department of the Interior and Local Government

• Jaime Bautista - Department of Transportation

• Amenah Pangandaman - Department of Budget and Management

• Conrado Estrella III - Department of Agrarian Reform

• Jose Faustino Jr. - Department of National Defense

• Clarita Carlos - National Security Adviser

• Juan Ponce Enrile - Presidential Legal Counsel

• Menardo Guevarra - Office of the Solicitor General

• Felipe Medalla - Bangko Sentral ng Pilipinas

• Anton Lagdameo - Special Assistant to the President

• Maria Zenaida Angping - Presidential Management Staff

• Trixie Cruz-Angeles - Presidential Communications Operations Office


Isang araw bago ang inagurasyon, inanunsiyo naman ng kampo ni P-BBM na si outgoing Solicitor General Jose Calida ang uupong chairperson ng Commission on Audit (COA) sa bagong administrasyon habang si Jose Arnulfo “Wick” Veloso bilang pangulo ng Government Service Insurance System (GSIS).


Si Pangulong Bongbong din ang nag-administer ng oath of office ng kanyang anak na si Sandro bilang congressman ng First District ng Ilocos Norte. Habang ang ibang local officials mula sa Ilocos Norte ay pinanumpa rin ni P-BBM.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page