top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 17, 2023




Arestado ang isang suspek sa robbery-extortion sa isinagawang entrapment operation sa Makati ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes.


Ayon sa pahayag ng NBI, umupa ng Sedan ang complainant mula Marso 25 hanggang Abril 3, 2023, at ibinigay ito sa suspek matapos magsumite ng mga ID at signed form.


Ipinabatid din ng complainant sa suspek ang pinsala mula sa isang minor accident habang nasa kanyang pangangalaga ang sasakyan, at parehong nagkasundo ang mga partido para sa P35,000 kompensasyon mula sa biktima para sa pinsala.


Bagaman nagbigay na ang biktima ng kabuuang P43,000 mula nang maganap ang aksidente, iniulat na nagbanta pa ang suspek na ipakukulong siya nito.


Humingi pa umano ang suspek ng P300,000 na may kasamang pagbabanta na kapag hindi nabayaran ay magsasampa ng kaso at ilalantad ang mukha ng biktima sa social media.


Haharap ang suspek sa mga kasong robbery at extortion kaugnay ng RA 10175, Estafa, at Grave Threats.

 
 

ni Gina Pleñago @News | September 26, 2023




Matapos ang ilang linggong pagsasalin ng hurisdiksyon ng mga health facilities sa 10 EMBO barangays na isinasagawa ng Department of Health (DOH) at ng kasunduang iayos ang petsa ng pag-transfer sa Oktubre 1, 2023 ay muli umanong sinimulan ng

Makati City ang pagpapakalat ng maling impormasyon.


Namahagi umano ang Makati ng isang press release na may pamagat na “Taguig’s ‘unreasonable’ rejection of Makati proposals impedes smooth transfer of city-owned health facilities, services – City Administrator”.


Pumalag ang Taguig LGU at sinabing ito ay nakakahiyang mga paglabag ng kasunduan sa DOH para sa Makati at Taguig na hindi dapat pinag-uusapan ang pagmamay-ari sa lupa at mga gusali habang nagpapatuloy ang pagtalakay sa transition upang hindi madiskaril ang pangunahing pakay ng isang maayos na pagsasalin ng hurisdiksyon mula sa Makati patungong Taguig.


Kung sinsero umano ang Makati ay tinanggihan na nito ang apela ng DOH na isantabi ang isyu sa ownership ngayong panahon ng transition.


Kaugnay naman sa Ospital ng Makati, binigyang diin sa press release nito na hindi kailanman tinanggihan ni City Mayor Lani Cayetano ang anumang mungkahi mula sa

Makati ngunit naipagpaliban lamang ito nang sabihin ni Health Secretary Teodoro Herbosa, na ang DOH Regional Director ang mangunguna sa alinmang talakayan

patungkol sa OsMak.


Bilang paglilinaw, sinabi ng Taguig na siya ang may nakakataas na legal na pag-aangkin sa pagmamay-ari ng lupa at mga pagbabago rito dahil ang Makati ay walang titulo sa mga lote at hindi ipinakita sa publiko ang mga titulo na sumuporta sa kanyang inaangkin.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 13, 2023




Dinagsa ng reklamo ang Makati LGU dahil sa mga umano'y palpak na school supplies na ipinamahagi sa mga estudyante.


Ayon sa mga magulang na naglahad ng kanilang saloobin sa social media, hindi na kasya sa kanilang mga anak ang mga polo, shorts at sapatos na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan para sa pasukan.


Matatandaang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na "annual tradition" ang pamamahagi ng mga nasabing school supply sa mga estudyante sa Makati.


Sinabi pa nito na pati ang mga estudyante sa mga eskwelahan na sakop ng EMBO barangay na inilipat na sa hurisdiksyon ng Taguig ay makatatanggap ng mga ganitong supply upang masigurong handa sila para sa pasukan.


Ayon sa mga magulang, dapat ay may naganap na pagsusukat man lang bago nagsimula ang klase upang masigurado na magagamit ang mga nasabing damit at sapatos.


Nag-trending sa social media ang #Swap dahil sa mga magulang na naghahanap ng makakapalitan ng mga uniporme at sapatos para sa kanilang mga anak.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page