ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021
Wala nang naitalang bagong COVID-19 patient ang Makati Medical Center.
Ayon kay Medical Director Saturnino Javier, ito ang unang pagkakataon mula noong Marso 2020 na wala nang COVID patient na na-admit sa ospital.
Aniya pa, mahigit isang taon ay mga COVID-19 patients ang kanilang nabibigyan ng atensiyon.
Dahil dito, umaasa si Javier na tataas na ang bilang ng mga pasyenteng magpapakonsulta sa kanilang pagamutan.
Matatandaang nakaraang taon ay isa ang Makati Medical Center sa mga ospital na nagdeklarang full capacity dahil sa paglobo ng bilang ng mga COVID-19 patients.