ni Jenny Rose Albason @Overseas News | September 13, 2023
Nagpaliwanag ang gobyerno ng Morocco sa mga batikos na mabagal umano ang kanilang pagtugon sa mga biktima ng 6.8 magnitude na lindol.
Ginagawa umano ng gobyerno ang kanilang makakaya upang matulungan ang mga biktima ng lindol.
Umabot na sa mahigit 2,700 ang mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig.
Iginiit naman ni Prime Minister Aziz Akhannouch na bibigyan nila ng tulong pinansyal ang mga biktima.
Nagpaabot din ng tulong ang ibang mga bansa kung saan ay nagpadala ang Spain, Britain, United Arab Emirates at Qatar ng kanilang mga rescue specialists kasama ang sniffer dogs.
Nahirapan umano ang mga rescuers dahil malalaking bato umano ang gumuho sa mga kabahayan.