top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 6, 2023

ni BRT | April 6, 2023


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Niyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang Catanduanes kamakalawa, alas-8:54 ng gabi.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natagpuan ang epicenter sa 120 kilometro southeast ng bayan ng Gigmoto. May lalim na 9 kilometro ang lindol.


Naramdaman ang Intensity IV sa Virac, Catanduanes, habang naramdaman naman ang Intensity III sa Prieto Diaz, at Sorsogon City, Sorsogon; San Policarpo, Eastern Samar; Allen, Biri, Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Rosario, San Jose, at San Roque sa Northern Samar; Calbiga, at City of Catbalogan, Samar.


Naramdaman naman ang Intensity II sa Malinao, at Tabaco City sa Albay; Borongan City sa Eastern Samar; Babatngon, Dagami, Dulag, Palo, Santa Fe at Tanauan sa Leyte; Tacloban City at San Antonio sa Northern Samar.


Naramdaman naman ang Intensity I sa Alangalang, Baybay City at Tabontabon sa Leyte.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Legazpi City, Legaspi, Albay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili, Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog, Leyte; San Roque, Northern Samar; Bulusan, Prieto Diaz, Sorsogon.


Naitala ang Intensity I Ragay, Pasacao, Camarines Sur; Quinapondan, Eastern Samar; Palo, Alangalang, Leyte; Monreal, Uson, Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, Quezon; Donsol, Sorsogon.


 
 

ni Lolet Abania | April 21, 2022



Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Manay, Davao Oriental ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa report ng PHIVOLCS, alas-5:57 ng madaling-araw naitala ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan habang may lalim ito na 58 kilometro.


Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala sa mga imprastraktura dahil sa lindol at aftershocks. Gayundin, ini-report ng Reuters na base sa US Tsunami Warning System, walang naganap na tsunami warning matapos ang pagyanig.


Samantala, ayon sa Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MRRMO), isang paaralan sa Manay, Davao Oriental ang nagkaroon ng mga cracks matapos ang naganap na magnitude 5.3 na lindol nitong Miyerkules ng hapon.


“Meron kaming nakita na mga cracks din sa walls ng aming paaralan sa Barangay San Ignacio (We saw some cracks on the walls of our school in Barangay San Ignacio),” sabi ni MDRRMO head Cesar Camingue sa isang interview ngayong Huwebes.


Ayon kay Camingue, ininspeksyon na ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang napinsalang eskuwelahan, kung saan aniya, isang klasrum lamang ang idineklarang off limits sa ngayon.


Sinabi naman ni Camingue na wala silang na-monitor na anumang senyales ng posibleng tsunami nang kanilang itsek ang mga coastal areas ng Manay matapos ang lindol. Binanggit din ng opisyal na ang naturang bayan ay nakaranas ng maraming pagyanig nitong nakalipas na tatlong araw.

 
 


ni Lolet Abania | February 16, 2021




Niyanig ng 6.2-magnitude na lindol ang Vanuatu, bansang bahagi ng Oceania at Pacific island ngayong Martes, ayon sa Pacific Tsunami Warning Center (PTWC).


Gayunman, wala namang inaasahang tsunami sa nasabing lugar.


Ayon sa US Geological Survey, ang lindol na inisyal na naiulat na 6.7-magnitude subalit ibinaba sa 6.2-magnitude ay tumama sa Coral Sea, west ng Shefa Province, Vanuatu bandang 11:49 VUT (oras sa kanilang lugar) ng February 16.


Ang epicenter ng lindol ay nasa 90 km (56 miles) west ng Port Vila habang ang tremor ay may lalim na 10 km. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinsala at kung may nasaktan matapos ang pagyanig.


Patuloy ding pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na mag-ingat sa maaaring aftershocks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page