top of page
Search

ni Lolet Abania | June 8, 2022



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang malayong baybayin ng Tarragona, Davao Oriental madaling-araw ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa report ng Phivolcs, ang lindol ay naitala ng alas-4:37 ng madaling-araw na may lalim na 63 kilometro habang tectonic ang pinagmulan.


Ayon pa sa Phivolcs, wala namang naiulat na pinsala sa lugar subalit asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.


 
 

ni Lolet Abania | May 17, 2022



Nakapagtala ng 5.1-magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na malapit sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan ngayong Martes ng hapon.


Alas-4:42 ng hapon nai-record ang lindol na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 16 kilometro. Ang epicenter ay natagpuan na nasa 31 kilometro southeast ng Dalupiri Island.


Naramdaman naman ang pagyanig at naitala ang Intensity IV sa Calayan, Cagayan; Intensity III sa Pasuquin, Bacarra at Laoag City, Ilocos Norte, at Sanchez Mira, Cagayan; Intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte; Intensity II sa Laoag City, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan; at Intensity I sa Gonzaga, Cagayan.


Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naiulat na pinsala matapos ang lindol subalit asahan na magkaroon ng mga aftershock

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 5, 2021




Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Vinzons, Camarines Norte ngayong Biyernes, alas-6:00 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa inisyal na ulat, tumama ang lindol sa 24 kilometers (kms) northeast ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte at may lalim na 1 km.


Naramdaman din ang Intensity IV sa Capalonga at Jose Panganiban, Camarines Norte at ang Intensity III sa Guinayangan, Quezon.


Naitala naman ang Intensity II sa Goa at Naga City, Camarines Sur at Calauag, Quezon at ang Intensity I sa Cainta, Rizal; Marikina City at Pasig City, Metro Manila; at San Rafael, Bulacan. Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page