ni Thea Janica Teh | December 22, 2020
Isang Magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa Quezon Province nitong Martes nang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nangyari ang pagyanig kaninang 2:14am sa 20 km northwest sa bayan ng General Nakar at may lalim na 15 km. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang kalapit na lugar tulad ng Metro Manila at Rizal.
Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na magkakaroon ng aftershock ngunit hindi makasisira ng ilang istruktura.