ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 7, 2024
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ano’ng business ang bagay sa akin? Sa ngayon ay balak ko muling mag-apply sa fast food company. Hotel and Restaurant Management (BS HRM) ang kursong natapos ko at gusto ko itong magamit ngayon.
Makakapasok kaya ako? Ask ko na rin sana kung makakapag-abroad din kaya ako?
Kung sakaling oo, kailan naman kaya ito mangyayari?
Ang birthday ko ay July 15, 1999 habang November 6, 2000 naman ang birthday ng live-in partner ko. Maestro, siya na rin ba ang makakatuluyan at makakasama ko habambuhay?
Umaasa,
Katrine ng Dapdap, Mabalacat, Pampanga
Dear Katrine,
Ang zodiac sign mong Cancer at Scorpio naman ang live-in partner mo ay nagsasabing compatible kayo dahil ang Scorpio at Cancer ay nagtataglay ng elementong water o tubig.
Ganundin ang nais sabihin ng birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) at ang birth date niyang 3. Kung saan, ang 3 at 6 ay tugmang-tugma dahil kapwa itong pasok sa tinatawag na series of 3-6-9.
Sa tanong mo na magtatagal ba kayo ng live-in partner mo o magiging panghabambuhay ba ang inyong pagsasama? Positibo ang tugon, uusad nang uusad ang mga taon at mananatiling buo ang inyong relasyon.
Habang ayon sa zodiac sign mong Cancer na nagsasabing mapalad ka sa lahat ng produktong may kaugnayan sa tubig, at halaman.
Samantala, ang birth date mo namang 15 o 6 ay nagsasabing mapalad ka rin sa mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain, sa lahat ng kalakal na tinitimpla at malasa, ganundin sa lahat ng produktong pampaganda at pabango.
Hinggil naman sa balak mong magtrabaho sa fast food, positibo rin ang tugon, dahil ang nasabing mga kumpanya ay may kaugnayan sa pagkain, kaya sa nasabing propesyon o hanapbuhay may tsansa kang palarin at umunlad.
Habang ayon sa Decandens ng Kapalaran, anuman ang iyong planuhin, tiyak na ito ay magaganap at isa-isa nang matutupad sa taong kasalukuyan 2024 hanggang sa taong 2025 sa edad mong 24 pataas.