ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 9, 2024
Dear Maestro,
May kaugnayan sa aking kasarian ang aking problema. Ako ay isang gay at hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo, pero marami akong crush.
Noong una, hindi tanggap ng mga magulang ko ang aking sitwasyon, pero nang nag-college at nagladlad ako, wala na silang nagawa. Sa halip, napuri pa nila ako dahil ‘yung iba kong kapatid na lalaki ay hindi nakatapos ng kolehiyo, samantalang ako ay nakapagtapos at may magandang trabaho na ngayon.
Tulad ng nasabi ko, hindi career ang problema ko kundi love life dahil talagang zero ang love life ko hanggang ngayon.
Maestro, kahit ba ganito ako, magkaka-dyowa pa rin kaya ako at kailan ito matutupad? Minsan kapag ako’y nag-iisa, hindi ko maiwasan ang maiyak at tanungin ang aking sarili kung bakit ako nagkaganito. April 25, 1998 ang birthday ko.
Umaasa,
Ekis ng San Jose, Dasmarinas, Cavite
Dear Ekis,
Sa isang pag-aaral na isinagawa tungkol sa Animal Journal, kinumpirma ng mga ebidensya ang ganitong katotohanan, “The Bonobo displays the highest rate of homosexual activity in any animal, being a fully bisexual species.” Ang Bonobo ay isang uri ng unggoy na kung tawagin ay Pygmy Chimpanzee o maliit o duwedeng uri ng chimpanzee at tulad ng nasabi na, may pagka-bakla o homosexual.
Habang ang sea urchin, snails, earthworms atbp. ay sinasabing mga uri ng hayop na hermaphroditic o hermaphrodite, na may kategoryang truly bisexual.
Pero mas hahanga ka sa mga dolphin sa Amazon River, kung saan napaka-immoral ng kanilang sexual life.
Ayon sa sinipi nating pag-aaral, sinasabing: "The Amazon River Dolphin has been reported to form up in bands of 3-5 individuals enjoying group sex. The group usually compromises young males and sometimes one or two females. Sex is performed in non-reproductive ways, using snout, flippers and general rubbing, without regards to gender. They will sometimes perform homosexual penetration of the blowhole, the only known example of nasal sex. The males will sometimes also perform sex with another male dolphin.”
Kumbaga, bukod sa bisexual ang mga dolphin sa Amazon River, gumagawa rin sila ng sari-saring sexual activities na sadyang napakahirap arukin o unawain ang dahilan.
Samantala, halos lahat ng bulaklaking halaman ay tinatawag ding bisexual, sapagkat may kakayahan silang “i-fertile” o “buntisin” ang kanilang sarili upang magpatuloy ang kanilang pagdami at pagpapalahi.
Kaya sa susunod, ‘wag mo nang itanong kung bakit ka naging bading, sapagkat maaaring may sadya talagang nilikhang ganyan at maaari ring may espesyal kayong assignment sa mundo kung bakit patuloy pa ring naglalakad sa ibabaw ng mundo ang mga kasapi ng LGBTQ+ community.
Samantala ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2024, tiyak ang magaganap, magkaka-dyowa ka na at magkakaroon kayo ng sexual relations. Ang unang magiging dyowa mo ay isang Virgo, pero hindi rin kayo magkakatuluyan o sabihin na nating, masarap pero panandaliang romansa lamang. Pagkatapos nito, bigyang-daan naman ang taong 2025, kung saan dito ka na magkakaroon ng pangmatagalang relasyon na hatid ng kapwa mo may kakaibang kasarian na isinilang sa zodiac sign na Capricorn.