ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 11, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2024 (Linggo): Makulay ang iyong buhay, kaya tiyak na magiging makulay din ang iyong tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglaan ka ng lakas para sa ibang araw dahil paparating na ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-18-27-33-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumaban ka dahil ang mga taong hindi lumalaban ay napapabilang sa mga talunan. Huwag kang susuko para manatili ka sa mga listahan na puwedeng manalo sa laban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-14-18-21-29.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagiging dalawa ang isa at ang dalawa ay puwedeng maging apat. Ayon sa kapalaran mo, ang biyaya ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-19-22-33-40.
CANCER (June 21-July 22) - Patuloy na hinahawakan ng langit ang landas ng buhay mo ngayon. Ito ay para hindi ka gaanong mahirapan. Masuwerteng kulay-violet.Tips sa lotto-4-17-20-25-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Humihina ang iyong sigla, pero huwag kang mag-alala dahil babalik pa rin naman ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-15-31-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gagabayan ka ng mga aral sa buhay na iyong matututunan. Ang kabiguan ay hindi mo matitikman at ang iyong malalasahan ay ang matamis na tagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-28-32-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang tumulad sa mga taong palaasa. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-17-21-25-29-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong nilalakaran, puwede mong isama sa tagumpay ang iyong pinakamamahal. Sa ganitong paraan ang kaligayahan sa iyong puso ay mag-umapaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-18-26-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming pintuan ng tagumpay. Para sa iyo kahit ano ang iyong piliin, ginagarantiyahan ka pa rin na makuha mo ang iyong mga pinapangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-19-22-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi naman nawawala ang mga bituin sa langit, natatakpan lang ito ng mga ulap pero ang mga ulap ay hindi rin naman nagtatagal kaya sa susunod pang mga araw, papaganda nang papaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-16-20-25-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dedepensahan ka ng iyong kapalaran. Ang magagandang bagay ay ibabalot sa iyo at ang mga masasamang elemento na nagkalat ay hindi mananaig sa iyo sa ngayon, dahil ikaw ang mas mananaig sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-29-33-41-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manamlay! Labanan mo ang kalungkutan. Kailangan mo maging masigla at malakas dahil ang mga suwerteng paparating sa iyo ay mabibigat at napakarami. Masuwerteng kulay-pink.Tips sa lotto-3-12-17-28-33-39.