ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 6, 2024
Sa may kaarawan ngayong Agosto 6, 2024 (Martes): Hindi magsasawa ang iyong kapalaran na ayusin ang iyong buhay kahit na sa totoo lang, ikaw mismo ang nagkakamali at nagpapagulo nito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumingin ka sa maganda para gumanda rin ang iyong isipan. Ang mga tao ay madalas na pinapayuhang pumunta sa payapang lugar nang magkaroon ng mapayapang kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-19-24-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang humatol para hindi ka rin husgahan. Hindi ito pakikinggan ng ilang nasa paligid kaya tatanggap sila ng kaparusahan sa kanilang paglabag sa nasabing banal na utos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-21-25-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang kapalaran mo na mabibihag ka ng masarap na kausap. Ang hindi mo alam, ikaw ang masarap makakuwentuhan na dapat ay siya o sila ang iyong mabihag. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-25-38-40-46.
CANCER (June 21-July 22) - Dagdag na pahinga ang iyong kailangan. Bawasan mo ang mga aktibidad na nakakasira ng kalusugan. Sa pamamahinga, hindi katawan ang gumaganda dahil nananariwa rin ang kaisipan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-24-33-36-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung ano ang nadarama mo, ‘yun na ‘yun. Ang sinasabi ng isip, kadalasan ay sagabal sa kasiyahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-24-25-33-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka nang maluwag sa puso. Ito ang sikreto ng masayang buhay. Magmahal ka nang maluwag sa puso at hindi ‘yung napipilitan ka lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ingatan mong maabuso ang magandang regalong ito ng langit. Isabuhay mo ang sinasabing kung ano lang ang iyong kailangan, ‘yun lang ang iyong ipagdasal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-14-20-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magsuot ng kupas at matamlay na kulay. Kung ano ang larawan ng katawan, ‘yun din ang magiging pakiramdam. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-17-26-34-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi man kagandahang payo, kailangan mong malaman na kapag hindi mo pinagdamutan ang iyong sarili sa masasarap na bagay, mabilis na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-24-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawin at kahit nasaan ka, gaganda ang iyong buhay dahil noon pa man, itinakda na ng langit na ngayon magdaratingan ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa alam mong pangit ang mga nangyayari sa kanilang buhay. Dahil maaaring malipat sa iyo ang hindi magagandang kapalaran na kanilang pinagdurusahan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-26-30-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang lumayo sa may gusto sa iyo. Hindi naman masama ang pakitaan sila ng maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-21-24-30-34-38.