ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 23, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2024 (Biyernes): Sa negosyo ka yayaman. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa pamamasukan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw ay magkikitang inip na inip dahil nasasagap na ng iyong sarili ang mabilisang pag-asenso at pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-21-24-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw na ang umunawa sa mga taong hindi marunong umintindi. Ito ang simpleng paraan para matahimik ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-9-11-29-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman masama ang paulit-ulit na paglilinis. Ang hindi maganda ay makita kang nalulungkot. Sipagan at galingan mo pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-27-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi man biglaan, pero matatanaw mo na ang paglayo sa sinilangan bayan at pag-alis sa kasalukuyan mong sitwasyon. Ngayon pa lang, ihanda mo na ang iyong sarili sa sunud-sunod na paglalakbay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong takutin ang iyong sarili. Ang mga anino ng negatibong pananaw ay walang laman at walang buto. Tulad lang sila ng mga multo na kapag ‘di pinansin ay mawawala rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-10-13-22-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaapaw ang diwa mo sa maraming magandang ideya. Ibahagi mo sa iba at kung sakaling umasenso ang buhay nila, maging masaya ka para sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-18-23-29-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magugulat kapag may taong nagkagusto sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-20-24-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabibigla ka dahil sa una, aakalain mong nauubos na ang hawak mo. Pero sa katunayan, mas lalo pang dumarami ang hawak mong suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-21-32-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayong malapit na ang tag-araw. Dapat ihanda mo ang iyong sarili sa pamamasyal dahil ang pagpunta sa lugar na malapit sa nature, ang makakatulong sa kaluluwa mo para makapagpahinga at makasagap ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-27-33-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilang mga araw na lang, kikita ka na muli sa iyong negosyo. Kapag kumikita ka, i-priority mo pa rin ang pagtitipid at pag-iipon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-19-28-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Noon pa man ay masayahin ka na. Pero, hindi gaanong malakas ang iyong pangangatawan. Higit kailanman, ang pag-iingat ay iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-22-27-29-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaiba ang kapalaran mo. Hindi mo ito dapat pahirapan at hindi ka dapat magpabuyo sa iba kung paano gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-29-31-34-43.