ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-14 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 14, 2024 (Huwebes): Bilis at saya ang susi ng iyong mga suwerte. Kapag mabilis at masaya ang pagkilos mo, ang magagandang kapalaran ay mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong malungkot, kaya lumayo ka sa mga sisira sa iyong mga diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-22-29-34-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos. Huwag kang titigil sa pagkilos dahil ang lungkot ay mapapasaiyo kapag wala kang ginawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-11-18-21-39-45
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang mensahe ng iyong kapalaran na nagsasabing kung sino ang gusto mong suwertehin ngayon, siya rin ay gugustuhin ng langit na maging masaya tulad mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto–5-9-14-19-23-27.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hanapin ang wala sa iyong tabi dahil tiyak na malulungkot ka lang.Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-16-22-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sundan mo ang kislap ng liwanag na nasa iyong harapan dahil ito ay nag-iimbita sa iyo para kumita ng pandagdag sa kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-17-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo para buwenasin ka. Kung ano ang gusto ng kapwa mo, huwag mong gawin dahil kapag ginawa mo ito, ang ilang suwerte mo ay mapupunta lang sa kanya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-18-22-29-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipahiram mo ang iyong magandang ideya. Hindi mo pa naman magagamit ang mga ito para sa sarili mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-23-28-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikita ka nang malaki kapag ginawa mong negosyo ang hilig mo. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng kayamanan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-18-22-31-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong baguhin ang iyong plano kapag napansin mong hindi nagbabago ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-12-18-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Talasan mo ang pakiramdam mo dahil may ilang hindi maganda ang motibo sa pakikiharap sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-14-17-23-26-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isuot mo ang paborito mong mga damit kahit nasa bahay ka lang. Ito mismo ang pampasuwerte mo na nagsasabing dahil dito, biglang gaganda ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-24-28-34-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tayo-upo, lakad-balik. Ito ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran at ito rin ang magtuturo sa iyo ng dapat mong gagawin nang sa gayun ay makuha mo ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-7-20-25-34-41.