ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-21 Araw ng Marso 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 21, 2024 (Huwebes): Pinagpapala ka dahil sa kabutihang loob mo sa iyong kapwa. Huwag kang hihinto sa pagmamalasakit kahit pa na ‘di sila marunong tumanaw ng utang na loob.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ngayon ng iyong damdamin. Ang inaayawan mong bigyan ng tulong sa nagdaan ay ngayon mo matutulungan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang pumanig sa kahit na kanino. Ang tagapamagitan ay dapat nasa gitna at ang unang isinusulong ay ang pagkakaayos ng dalawang panig. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-6-15-19-23-34-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Puso sa puso, ito ang malabo mong magagapi, kahit pa kilala ka sa katalinuhan. Dahil ang matatalino ay may puso rin naman na tulad mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-9-14-21-27-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang gusto mong suwertehin, siya ay pagkakalooban ng langit ng mga suwerte. Huwag mong kalimutan na ang una mong dapat isipin ay ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-7-11-29-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pakikinggan ka kapag banayad ang iyong pagsasalita. Pero kapag nag-utos ka ng pagalit, ito naman ay may masamang epekto sa kalusugan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-28-36-42-48.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madali kang malalapitan ngayon. Mas magandang iwasan ang mga taong dumidikit sa iyo, lalo na silang nakangiti papalapit sa iyo na animo’y ngiting aso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-16-25-31-40-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makihalo sa magulong usapan. Mas maganda kung ano ang gusto mo, gawin mo na agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-29-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ipagdamot ang mga natututunan mo. Sa ganitong paraan, hindi ka rin pagdadamutan ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-22-28-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa, lalo na sa ngayong paangat nang paangat ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-27-43-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang papadaya sa iyong nakikita at naririnig. Ikaw ang dapat magpasya. Sa ganitong paraan ka uunlad at susuwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-24-37-41-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napapabuti ang mga kalagayan ng taong marunong makinig ng payo habang minamalas naman ang buhay ng mga taong matitigas ang ulo. Ang payo sa iyo ay ipagpaliban mo kung ano ang nasimulan n’yong negosyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-26-35-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kontrolin mo ang taong malapit sa iyo bago ka pa niya makontrol. Kumbaga, unahan muna siya para ‘di ka niya alipinin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-22-29-34-45.