top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Oct. 26, 2024



Dear Maestro,


Nagtataka ako ngayon sa kapalaran ko. Masipag naman akong mag-apply, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho? 


Nakapagtrabaho naman na ako dati, ‘yun nga lang ay hindi rin ako nagtagal, nadamay kasi ako intriga. Kaya naman kesa mapaaway pa ako, napagdesisyunan ko na lang na mag-resign. 


Ang problema nga lang ay mula nang mag-resign ako sa pinapasukan ko, hindi na ako sinuwerte at hanggang ngayon ay tambay pa rin ako. 


Kaya naman naisipan ko nang sumangguni sa inyo upang itanong kung ano’ng taon ba ako makakahanap ng isang permanente at magandang trabaho na may malaking suweldo? 

Siya nga pala, 27-anyos na ako ngayon, pero wala pa rin akong asawa. Maestro, kailan kaya ako makakapag-asawa? 


May girlfriend naman ako ngayon, pero hindi naman seryoso ang relasyon namin, at minsan lang kami kung magkita. 


Ang birthday ko ay July 29, 1997. 

Umaasa,

Matt ng Banlic, Cabuyao, Laguna

 

Dear Matt,


Para makahanap ka ng trabaho, may mga bagay ka dapat isaalang-alang at baguhin sa iyong buhay.


Una, ang iyong lagda na bukod sa nababoy at pangit, hindi mo dapat ibalikwas pakaliwa ang dulong bahagi ng “a” sa iyong pirma na lumilikha ng kinanselang anyo o binurarang lagda. Sa halip, idiretso mo lang ang pinakapaa ng letrang “a”  sa direksiyong pakanan. Sa ganyang lagda, magkakaroon ka na ng panibagong lakas ng loob at sigasig na mag-apply nang mag-apply, hanggang sa matagpuan mo ang isang kumpanya na may kaugnayan sa computer o communication, – sa nasabing kumpanya ka magkakaroon ng isang regular, permanente at magandang trabaho. 


Ang ikalawang bagay na dapat mong baguhin sa iyong buhay o pagkatao ay ang iyong bigote na nagiging dahilan kaya nawawala sa pagiging balanse ng iyong mukha. Kailangan mo munang tanggalin ang iyong bigote, para mas mabalanse mo ito. 


Dagdag dito, imbes na hawiin sa gitna ang buhok na nakalugay sa iyong noo, hawiin mo ito paitaas, upang ganap na mailantad ang kabuuang hugis ng iyong mukha.


Makikita mo, kapag nagawa mo na ang simpleng dalawang pagbabagong nabanggit sa iyong mukha, pag-ahit ng bigote at suklayin paitaas ang buhok, tiyak na ang magaganap, magkakaroon na ng positibong pagbabago ang iyong buhay tungo sa isang mas maunlad at masaganang karanasan.


Habang ayon sa iyong Career at Love Calendar, sa susunod  na taong 2025, sa edad mong 28 pataas, makakatagpo ka na rin ng isang maganda at permanenteng trabaho at doon mo na rin makikilala ang isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius na siyang magiging girlfriend at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 25, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2024 (Biyernes): Hindi na mapipigilan pa ang iyong  pangingibang-bansa, dahil nasa malayong lugar ang iyong mga suwerte at magandang kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo at umagwat ka para matanaw mo ang mga dapat gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-24-30-35-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalakas ang iyong kutob. Hindi ka na muli pang maiisahan, tulad ng pandaraya sa iyo ng isang tao na inaasahan mong magiging tapat sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy.  Tips sa lotto-3-16-29-35-38-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang mga araw na ito na mabilis mong mababago ang iyong mga pasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-25-28-37-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Magugulat ka mismo sa sarili mo dahil makakahanap ka ng magandang ideya na makakalutas sa mga suliranin mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-19-23-32-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Manahimik ka muna. Sa pananahimik, mas bumibilis ang dating ng suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-20-24-35-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mas lalawak pa ang iyong pang-unawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-29-33-36-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo, dahil kung gugustuhin mong mandaya, agad mo itong  magagawa. Bilang isang katuwaan, dayain mo rin ang pinakamalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-28-31-37-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa katunayan, hindi naman talaga nakakatakot ang mga naglalabas-masok sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-19-25-32-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo bang nagbago na ang ihip ng hangin? Hindi ka na muli pang maiiwanan ng panahon, ngayon mo na rin mararanasan ang masasayang pangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-25-29-34-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo kailangan mabahala sa mga araw na darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-18-27-30-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasasayahin ka ng mga taong nasa malayo at malapit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-24-37-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa mga araw pang darating. Masuwerteng  kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-14-22-38-41.





 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 23, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2024 (Miyerkules): Huwag mag-alala dahil hindi ka mananatili sa ibaba. Itataas ka ng iyong kapalaran, at wala kang dapat ipagmalaki dahil kapalaran mo ang may gusto nito.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang magyabang. Ito ang rason kung bakit ka papaunlad nang papaunlad, dahil wala kang anumang yabang sa katawan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-12-19-23-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas gugustuhin ng langit kung wala kang itatangi. Kumbaga, dapat pantay-pantay lang ang tingin mo sa lahat, anuman ang kalagayan ng mga makakadaupang palad mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-22-24-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang mapapasaiyo, kapag malalaking bagay ang ginusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-28-32-37-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ang payo sa iyo ngayon ay dumikit ka sa mga taong umaasenso para mahawa ka sa kanila, habang lumayo ka naman sa mga taong walang anumang pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-18-24-38-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang susi ng iyo tagumpay. Kumbaga, alam mo kung paano ito gawin. Ang susi ay ginagamit at hindi itinatago. Gamitin mo ang susi, upang matiyak ang iyong pag-unlad at panalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-20-22-25-27-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 2) - Ito ang araw na saydang inilaan sa iyo ng kapalaran. Kaya naman, sunud-sunod na suwerte ang biglang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-19-21-24-26-34.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paikut-ikot lang ang hangin, minsan ito rin ay pabalik-balik lang. Kung hindi mo lalagyan ng direksyon ang iyong buhay, tiyak na matutulad ka lang sa hangin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-20-28-31-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumitigas ang kalooban mo dahil na rin sa iyong karanasan. Gamitin ang tigas ng iyong loob sa tamang prinsipyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-14-15-22-35-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Isang salita mo lamang ay agad na kikilos ang langit upang ikaw ay pagbigyan. Hilingin mo na ngayon kung ano ang gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-23-27-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suriin mo munang mabuti kung ano ang nangyayari sa iyo. Kapag napansin mong sinusuwerte ka, mas lalo kang kumilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-25-33-39.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ano’ng hirap ang iyong danasin, haluan mo ito ng pagliliwaliw. Kapag ikaw ay nakaramdam ng kasiyahan, tiyak na mas susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-19-24-30-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na inuutusan ka ng nasa itaas na gawin at ipatupad mo na ang iyong mga pangarap, plano at ambisyon na matagal mo nang pinapangarap. Sa tulong ng isang kaibigang matagal nang humahanga at may pagtingin sa iyo, ang lahat ng mga pangarap mo ay matutupad na ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-16-28-31-44.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page