ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 29, 2024
Sa may kaarawan ngayong Mayo 29, 2024 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga biyaya mula sa langit. Ito ang iyong gantimpala sa mga kabutihang ipinakikita mo sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang iyong kailangan sa harap ng sitwasyon na nahihirapan kang tanggapin. Sa pagiging mahinahon, ang mga gusot ay naaayos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-23-29-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka sa mga nagbabait-baitan. Kapag nabiktima ka, lihim kang pagtatawanan at muli kang babalikan. Makipag-ugnayan ka sa mga dati mong kakilala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-18-24-34-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahuhulog ang loob mo sa taong may kakaibang attitude. Hindi naman ito masama, sa halip, ito ay mabuti kung kayo ay magiging magkarelasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-19-25-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Ang hindi makikiisa sa layunin mo ay aani ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-29-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kababaang-loob ang makikita ng mga tinatalo mo. Dahil dito, mas mapapalapit sa iyo ang mapagmahal na langit at pagkakalooban ka pa ng maraming panalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-19-22-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magparaya ka kahit agrabiyado ka. Hindi kawalan sa iyo ang hayaang makaiskor ang gustong mandaya. Siya ang mawawalan dahil ang ganitong kilos ay ayaw na ayaw ng langit. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-17-23-34-40-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas lalakas ang iyong karisma. Sa negosyo mo ito gamitin at huwag sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbababala ang araw na ito na mapapabayaan mo ang iyong sarili nang dahil sa kakaintindi sa problema ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-22-24-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ngayon ang kalagayan ng taong may mababang personalidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpapatuloy ang pagsasakripisyo mo. Huwag kang mag-alala dahil inihahanda ka ng langit sa mas malaking suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang, kung saan siya masaya, dahil ganundin ka rin naman. Mas magandang umunawa kaysa magalit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-21-27-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Labis mong ikakatuwa ang magandang kapalaran na mapupunta sa taong malapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-19-26-34-40.