ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 16, 2021
Dear Maestro,
Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo at naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may ilang katanungan ako tungkol sa aking kapalaran. Habambuhay na ba kami ng boyfriend ko, gayundin, compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan? September 29, 1991 ang birthday ko at October 4, 1991 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Kat ng Mabuhay, Carmona, Cavite
Dear Kat,
Compatible kayo ng kasalukuyan mong boyfriend dahil kapwa kayo under sa zodiac sign na Libra. Kung saan, ang birthday mong September 29, 1991 at October 5, 1991 naman ang boyfriend mo ay sadya ngang tugma at compatible sa isa’t isa, sapagkat pareho kayong nagtataglay ng elementong air o hangin. Kaya tulad ng nasabi na, sa pag-aanalisang Western Astrology, suwetong-suweto ang inyong pagsasama at habang kayo ay nagmamahalan at nagsasama, itatala ang maligaya at panghabambuhay na relasyon.
Dagdag pa rito, sa Numerology, ang birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ay nagtataglay ng planetang Moon-Neptune na naiimpluwensiyahan din ng elementong tubig, habang ang destiny number naman ng boyfriend mo na 7 (10+4+1991=2005/ 20+05=25/ 2+5=7) ay compatible rin sa isa’t isa, ibig sabihin, sa pag-aanalisang Numerology ay tugmang-tugma ang inyong pagsasama.
Samantala, bukod sa birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2), ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 4 (9+29+1991=2029/ 20+29=49/ 4+9=13/ 1+3=4), na siya namang birth date ng boyfriend mo, kung saan mapapansing compatible at talagang tugma kayo ng boyfriend mo sa upang magsama at magmahalan habambuhay.
Ayon sa Decadens ng Kapalaran na pinaigting pa ng inyong Love Calendar, sa susunod na taong 2022 o 2023, sa edad n’yong 31 pataas, kayo na ang magkakatuluyan at magsasama nang maunlad at maligaya habambuhay.