top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021



Muling magbubukas ang ilang pasyalan sa Maynila gaya ng Intramuros at Luneta Park, sa kabila ng pagsasailalim sa Metro Manila sa alert level 4.


Papayagan na rin ang pamamasyal ng mga taga-NCR patungo sa mga tourist destination kahit pa sa labas ng rehiyon.


"Puwede nang pumunta as long as yung lugar ay naka-GCQ o MCQ or pumapayag yung LGU na tumanggap ng turista, puwede na," paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.


“As of now ang puwede ay Boracay, El Nido... Ang maganda dito ay i-check nila yung LGU, kasi pabago-bago rin sila. In the case of Baguio, nag-announce si Mayor Magalong na no leisure travel kahit galing saang lugar up to the 19th”, dagdag niya.


Nagpaalala rin si Puyat na mula 18 hanggang 65-anyos lamang ang pinapayagang lumabas.


Bawal din muna ang mga indoor museum at ang staycation sa ilalim ng alert level 4.


Samantala, magbubukas ang Rizal Park simula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga at ang papayagan lang muna ay hanggang 500 bisita.


Mas kaunti naman ang papayagang turista sa loob ng mga pasyalan sa Intramuros na hanggang 150 tao lang.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Isinagawa ang flag raising ceremonies sa Luneta Park, Manila ngayong Sabado para sa paggunita sa 123rd Independence Day ng Pilipinas.


Pinangunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang flag raising ceremony, kasama si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno.


Dumalo rin sa paggunita ng Araw ng Kalayaan si National Historical Commission of the Philippines Chairperson Rene Escalante.


Nag-alay din ng bulaklak ang mga opisyal sa monumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.


Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit nagpadala siya ng video message.


Mensahe ng pangulo, "The challenges of the past years have tested our character as a nation. Each of us have been called upon to be heroes in our own right, fighting for our survival and devoting ourselves to the common good just as our heroes did more than a century ago.


“With their noble example, inspiring us to look forward to the brighter future, filled with hope that we will overcome the challenges brought by this pandemic."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page