top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 3, 2023




Nagbigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga may kapansanan sa paningin simula Agosto 1-6, 2023.


Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang hakbang ay bilang pagkilala sa selebrasyon ng White Cane Safety Day.


Sinabi ng opisyal na isinaalang-alang nila ang kapakanan at karapatan ng mga visually impaired na mga pasahero upang masiguro ang komportableng serbisyo sa mga ito.


Kailangan lamang magpakita ng valid PWD ID sa security personnel ng mga istasyon ng MRT-3 at LRT-2 para sa libreng sakay, at libre rin ang isang kasama nito.



 
 

ni Lolet Abania | November 15, 2021



Pumanaw na si retired police general at Light Rail Transport Authority (LRTA) administrator na si Reynaldo Berroya sa edad na 74, umaga ng Lunes, Nobyembre 15.


Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.


“It is with profound sadness and sorrow that we bid adieu to one of the most courageous and dedicated public servants and defenders of the Republic, Gen. Reynaldo Berroya (Ret.), Administrator of the Light Rail Transport Authority (LRTA),” ani Tugade sa Facebook post nito ngayong Lunes.


“On behalf of the entire staff, officers and sectors of the Department of Transportation (DOTr), and also of my own family, I convey my utmost condolences and solicitude to the family and loved ones left behind by Gen Berroya,” sabi pa ni Tugade.


Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Tugade hinggil sa pagpanaw ni Berroya subalit pinuri niya ito dahil sa aniya, “exceptional leadership” o natatanging pamumuno nito.


“I will always remember Gen. Rey as the officer who commanded with authority, but also with irreverence, wit and humor just to lighten and brighten the issue at hand,” sabi ni Tugade.


Si Berroya ay miyembro ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC), na pinamunuan noon ni Vice President Joseph Estrada sa panahon ng (Fidel) Ramos administration.

 
 

ni Lolet Abania | May 21, 2021




Magpapatupad ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ng tinatawag na “degraded operation” o magbabawas ng mga biyahe ng tren sa huling dalawang Sabado at Linggo ng Mayo.


Sa isang advisory na nai-post sa Twitter ngayong Biyernes ng LRTA, ang naturang degraded operation ay mula May 22 hanggang 23, at May 29 hanggang 30, kung saan ang lahat ng kanilang mga tren ay magseserbisyo lamang ng Recto-Cubao-Recto lines.


Ayon sa LRTA, ang pagbabawas ng operasyon ng mga tren ay upang bigyang-daan ang ginagawang integration test sa signaling system ng Line 2 East Extension o ang Marikina at Antipolo Stations kasama ang Santolan-to-Recto system.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page