ni Lolet Abania | November 3, 2021
Balik na ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ngayong Miyerkules matapos na magkaroon ng technical problem ilang oras kaninang umaga, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA).
“As of 7:57 am, LRT-2 has resumed to its full line operations. Train service now available from Antipolo to Recto and vice versa. Thank you for bearing with us,” post ng LRTA sa social media.
“Balik operasyon na po ang buong LRT2. Pasensiya na po at maraming salamat po sa pag-unawa,” paliwanag ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera sa isang tweet.
Unang sinabi ni Cabrera na ang operasyon ng LRT2 ay kanilang ipinatigil bandang alas-6:00 ng umaga dahil aniya sa tinatawag nilang signaling system problem.
Agad nagbaba ang management ng CODE RED o temporary stop of operations upang maiwasan ang anumang maaari pang maging problema.