top of page
Search

ni Lolet Abania | January 18, 2022



Nagbalik na ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) bago magtanghali ngayong Martes matapos na pansamantalang isuspinde ito dahil sa naganap na sunog malapit sa Legarda at Pureza stations.


Sa isang tweet bandang alas-10:55 ng umaga, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), “LRT2 operations is temporarily suspended due to a fire incident near the carriageway between Legarda and Pureza stations.”


Alas-11:03 ng umaga, in-update naman ng LRTA na nag-resume na ang kanilang operasyon.


“Train service is now available from Recto to Antipolo and vice versa,” pahayag ng LRTA.


Sa report ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, sumiklab ang sunog sa Legarda Street sa harap ng Arellano University bandang alas-10:19 ng umaga.


Itinaas sa unang alarma ang sunog at idineklarang under control ng alas-10:46 ng umaga, habang tuluyang naapula ang apoy ng alas-10:53 ng umaga.

 
 

ni Lolet Abania | December 28, 2021


Libre ang sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) at Light Rail Transit 2 (LRT2) sa Huwebes, Disyembre 30, kasabay ng paggunita ng ika-125th anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang Bayani na Dr. Jose Rizal.


Ayon sa pamunuan ng MRT3, maaaring ma-avail ng mga pasahero ang free rides mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Hinihimok naman ang mga commuters na patuloy na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang transmission ng COVID-19.


Gayundin, inanunsiyo ng LRT2 na magkakaroon ng libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga sa Huwebes. Ang Disyembre 30, Rizal Day ay isang regular holiday sa Pilipinas.


 
 

ni Lolet Abania | November 14, 2021



Itinigil pansamantala ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) ngayong Linggo matapos magkaroon ng problema sa kanilang signaling system.


Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, alas-7:45 Linggo ng umaga, inilagay sa code red o temporary stop operations ang LRT2 dahil sa isang technical issue.


Lahat ng operasyon sa buong line, sa pagitan ng Recto Station hanggang Antipolo Station at vice versa ay naapektuhan nang husto.


Agad na humingi ng paumanhin ang LRTA sa publiko dahil sa abalang naidulot ng insidente sa kanila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page